Philippine fencers paghahandaan ang Vietnam SEAG
- Published on May 7, 2021
- by @peoplesbalita
Matinding preparasyon ang gagawin ng Philippine Fencing Association (PFA) para sa 31st Southeast Asian Games na iho-host ng Hanoi, Vietnam sa Nobyembre.
Isiniwalat kahapon ni national fencing head coach Rolando ‘Amat’ Canlas sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition ang plano ng PFA na training sa Korea at Hong Kong.
Ngunit nagdadala-wang-isip si Canlas dahil sa quarantine restrictions sa dalawang bansa.
“Iyong Plan B is mag-send na lang ng mga Korean fencers sa Ormoc City para may makalaban kaming malalakas. Siguro mga 12 fencers iyon,” ani Canlas. “Iyon ang second option na gagawin namin.”
Magtatakda ang fen-cing association ng national tryout para sa dele-gasyong ilalaban sa 2021 Vietnam SEA Games sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.
Isasabak din ng PFA, pinamumunuan ni Ormoc City Mayor Richard Gomez, ang mabubuong national team sa under-23 at open tournament sa Chinese-Taipei bukod pa sa pag-imbita sa mga fo-reign fencers.
Noong 2019 Philippine SEA Games ay sumikwat ang mga national fencers ng dalawang gold, dalawang silver at pitong bronze medals.
Nanggaling ang national team sa nakaraang Asia Oceania Olympic Qualifiers sa Tashkent, Uzbekistan kung saan walang nakakuha ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo.
Tanging si national fencer Samantha Ca-tantan ang nakakuha ng bronze medal matapos matalo kay top seed Yana Alborova ng Uzbekistan sa semifinals ng women’s individual foil.
“Siyempre, nanghihinayang ako pero ganoon talaga ang competition na hindi lahat makakapasok (sa Olympics),” ani Catantan mula sa Pennsylvania. “Learning experience na lang para mag-training pa ako nang maige.”
Ang 19-anyos na si Catantan ay miyembro ng Penn State University fencing team sa US NCAA.
Inalat naman sa kani-kanilang events sa Olympic qualifier sina 2019 Southeast Asian Games gold medalist Jylyn Nicanor, Hanniel Abella, Nathaniel Perez, Noelito Jose at CJ Concepcion.
Si Walter Torres ang pinakahuling Pinoy fencer na nakalaro sa Olympics noong 1992 sa Barcelona, Spain.
-
RAPE SUSPECT, NASAKOTE SA VALENZUELA
ISANG lalaki na wanted sa kasong rape ang nalambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation makalipas ang halos pitong taon sa Valenzuela City. Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz si Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, sa matagumpay na pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Edmund Jacinto, 25, […]
-
Ads December 4, 2024
-
Malakanyang pinangalanan ang bagong PCO, DICT, AFP
INANUNSYO ng Malakanyang ang bagong appointments sa Presidential Communications Office, Department of Information and Communications Technology at Armed Forces of the Philippines (AFP). Ang mga sumusunod na itinalaga sa Presidential Communications Office: ay sina: Katrina Grace Ongoco – Assistant Secretary Nelson De Guzman – Director II Robertzon Ramirez – Director I Habang ang […]