• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinovac vaccines maaaring iturok kay PDu30 para sa second dose

Posible na ang coronavirus disease (COVID-19) vaccine na gawa ng Sinovac Biotech ang gagamitin para sa second dose ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sakali na mabigo ang Sinopharm na makakuha ng approval mula sa mga health regulators.

 

 

Sinabi ito ni Dr. Rontgene Solante, miyembro ng Department of Science and Technology’s Vaccine Expert Panel (DOST-VEP), matapos na maturukan si Pangulong Duterte ng first dose nito ng Sinopharm vaccine noong Lunes, Mayo 3.

 

 

Sa ngayon wala pang emergency use authorization ang Sinopharm mula sa Food and Drugs Administration (FDA) ng Pilipinas.

 

 

Sinabi ni Solante na posibleng gamitin ang Sinovac vaccine kay Pangulong Duterte para sa second dose nito dahil magkapareho lang naman aniya ang platform nito sa Sinopharm.

 

 

Iginiit ni Solante na dapat mabigyan muna ng emergency use authorization ang isang coronavirus vaccine bago ito payagang magamit sa bansa para matiyak na ligtas at epektibo itong gamitin.

 

 

Nabatid na sa ngayon ay nagpapatuloy ang pag-aaral ng vaccine expert panel hinggil sa paghalo-halo ng mga bakuna. (Daris Jose)

Other News
  • Batas vs red tagging

    Kaisa si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa panukala ni Senador Panfilo Lacson na gawing krimen ang red-tagging.   “I agree with Sen.Lacson in criminalizing red-tagging, in particular for government officials and employees who use government funds and resources  to vilify and attack progressives, artists, critics of the administration, […]

  • Marcial lubos ang pasasalamat sa tulong ni Thirdy Ravena

    Ipinagmalaki ni Olympic-bound boxer Eumir Marcial ang ginawang pagtulong ni basketball star Thirdy Ravena.     Kasunod ito sa naging hinanakit ni Marcial sa Philippine Sports Commission at sa Philippine Boxing Federation dahil sa hindi sapat na pondo at suporta.     Sa kaniyang social media ay ibinahagi nito na ang naging palitan nila ng […]

  • Sinabihang ‘banong umarte’ sa mismong kaarawan: DAVID, aminado na apektado ‘pag naba-bash ang acting

    AMINADO naman si David Licauco na kapag naba-bash ang acting niya ay apektado siya.   Lahad ni David, “Siguro pag bina-bash ang acting ko. Dun ako naba-bad trip. Minsan gusto kong mag-reply.   “Pero siyempre, e, entitled naman sila sa opinions nila, e.   “Pero OK lang naman sa akin. Sa totoo lang, immune na […]