Pfizer at BioNTech pumayag na babakunahan ang mga atleta na sasabak sa Tokyo Olympics
- Published on May 8, 2021
- by @peoplesbalita
Nagsama ang Pfizer at German company na BioNTech SE na magdonate ng ilang doses ng kanilang COVID-19 vaccine para maturukan ang mg atleta kasama ang kanilang delegasyon na dadalo sa Tokyo Olympic at Paralympic Games.
Ayon sa kumpanya na darating sa mga delegasyon ang unang dose ng bakuna hanggang sa katapusan ng Mayo.
Tiniyak nila na matuturukan ang mga ito ng ikalawang dose ng bakuna ilang araw bago ang pagsisimula ng torneo.
Ang nasabing hakbang ay matapos na aprubahan ng International Olympic Committe (IOC) ang pagpapabakuna ng mga manlalaro at delegates.
Nakausap na rin ng IOC ang mga opisyal ng Japan at si Pfizer Chief Executive Officer Albert Bourla sa nasabing pagbibigay ng donasyon na mga bakuna.
Magugunitang nilimitahan ng Olympic organizers ang mga manonood ng laro dahil sa patuloy pa rin ang pagkakahawaan ng mga bagong variant ng COVID-19.
-
Paghuhubad sa maskara sa mga communist-terrorists, bahagi ng ‘sacred duty”
PINAGTANGGOL ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang sarili nito mula sa panawagan ni Justice secretary Menardo Guevarra na iwasan na ang red-tagging nang walang konkretong ebidensiya. Ang buwelta ni NTF- ELCAC spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy sa pahayag na ito ni Guevarra ay ginagawa lamang nila ang kanilang […]
-
Bong Go, hinikayat ang publiko na magpabakuna
HINIKAYAT ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga Filipino na maging katulad ng mga NBA fans at magpabakuna laban sa COVID-19 kung gustong makalabas ng pamamahay. “Magpabakuna po kayo kung gusto niyong makalabas ng pamamahay ninyo,” ayon kay Go sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi. “Sa […]
-
Frances McDormand at Anthony Hopkins, Best Actress at Best Actor sa ‘93rd Academy Awards’; Chloe Zhao, Best Director para sa ‘Nomadland’ na nanalong Best Picture
A night a diversity ang 93rd Academy Awards or the Oscars dahil sa history-making winners nila sa kanilang top categories. Ang Chinese-American filmmaker na si Chloe Zhao ay ang first woman of color na manalo ng best director award para sa pelikulang Nomadland na nanalong best picture. Si Zhao rin ang […]