• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayo 10, itinakda bilang “Araw ng Paglingap ng Iglesia Ni Cristo” sa Lalawigan ng Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS – Sa bisa ng kapangyarihang ipinagkaloob kay Gob. Daniel R. Fernando at sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 17 Serye 2021, itinakda ang ika-10 ng Mayo bilang “Araw ng Paglingap ng Iglesia Ni Cristo” sa Lalawigan ng Bulacan o “Humanity Day of the Iglesia Ni Cristo” na epektibo sa araw ng kanyang paglagda noong Abril 30, 2021.

 

 

“Bilang pagkilala po sa mga naiambag at patuloy na ibinabahagi ng ating kapatiran sa INC sa ikabubuti ng lipunan, lalo na sa lalawigan ng Bulacan, atin pong bibigyang-halaga ang nasabing araw bilang parangal sa kapanganakan ng kanilang dakilang tagapagtatag na si Ministrong Tagapagpaganap Felix Y. Manalo,” ani Fernando.

 

 

Ito ang binigyang diin ng gobernador sa maikling programa na “Iglesia Ni Cristo Lingap Sa Mamamayan ng Lalawigan ng Bulacan” na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnsium sa lungsod na ito kamakailan.

 

 

Bilang bahagi ng paglingap ng INC, nagkaloob sila ng 2,000 food packs na kabilang sa 4,000 kabuuang ayuda na ipamamahagi sa mga Bulakenyo.

 

 

Layon nitong mabawasan ang hindi magandang dulot ng COVID-19 pandemic at makatulong sa COVID response ng Bulacan sa pangunguna ni Fernando.

 

 

Hindi na bago ang isinasagawang pagtulong ng INC sapagkat nung nagsimulang manalasa sa mga tao ang COVID-19, isa sila sa nagbukas ng pintuan upang pansamantalang gawing quarantine area at treatment facility ang Philippine Arena sa Bocaue.

 

 

Maliban sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo buhat nang itinatag ito noong Hulyo 27, 1914, kabalikat na ng pamahalaan ang INC sa hindi matatawaran na paglilingkod sa mga mamamayan.

 

 

Sa huli, sinabi ng gobernador na upang mas lalo pang tumibay ang nasabing pagkilala, magsusumite siya ng kahilingan sa Sangguniang Panlalawigan.

Other News
  • After manalo sa Los Angeles Film Critics Association Awards… DOLLY, first Filipina actress na na-nominate sa ‘Golden Globe Awards’

    PAGKATAPOS manalo sa Los Angeles Film Critics Association Awards, nasungkit ng Filipina actress na si Dolly de Leon ang best supporting actress nomination sa 80th Golden Globe Awards para sa pelikulang Triangle of Sadness. Ang kakalaban lang naman ni Dolly sa best supporting actress category ay ang sina Angela Bassett (Black Panther: Wakanda Forever), Kerry […]

  • 20 milyong doses ng AstraZeneca vaccine kasado na

    Nakakuha na ang Pilipinas ng 20 milyong doses ng bakuna mula sa British drug group na AstraZeneca.   Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ngayong araw naka­takdang lagdaan ang tripartite agreement para sa kukuning bakuna laban sa COVID-19.   “Bukas nga po ay aming pipirmahan, lalagdaan po namin ang tripartite agreement na more or less […]

  • LIQUOR BAN, INALIS NA SA NAVOTAS

    MAKARAANG ibaba sa alert level 3 ang Metro Manila, tinanggal na ng Pamahalaang Lokal ng Navotas ang liquor ban sa lungsod kasabay ng pagbaba ng mga kaso ng Covid-19.     Sa bisa ng City Ordinance No. 2021-56 na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng Navotas at pinirmahan ni Mayor Toby Tiangco ay ipinawalang-bisa na ang […]