• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas 3×3 labas muna sa Calambubble

Pansamantalang binasag ng Gilas Pilipinas 3×3 ang training camp nito sa Calambubble upang mag-asikaso ang buong delegasyon ng travel requirements para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Austria.

 

 

Ilang araw na lang bago tumulak ang buong dele­gasyon para sa Olympic qualifying tournament na idaraos sa Mayo 26 hanggang 30.

 

 

Ngunit matapos maayos ang lahat ng dokumento, agad na babalik ang Gilas 3×3 squad sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para sa final phase ng preparasyon nito.

 

 

Bahagi ng koponan sina Mo Tautuaa, CJ Perez, Joshua Munzon at Alvin Pasaol habang kasama rin sina Santi Santillan at Karl bilang practice players.

 

 

Ginagabayan ang tropa ni Gilas 3×3 coach Ronnie Magsanoc.

 

 

“With their commitment and sacrifice, I can say that the players are really all-in,” ani Magsanoc.

 

 

Habang nasa labas ng bubble, tuloy ang workout ng Gilas 3×3 sa pamamagitan ng zoom.

Other News
  • Sekyu sugatan sa pamamaril sa Malabon

    Malubhang nasugatan ang isang 27-anyos na security guard matapos barilin ng hindi kilalang suspek makaraang komprontahin nito ang biktima sa Malabon city.     Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso na tumagos sa katawan ang biktimang si Ronnie Fernandez, ng Blk 48, Lot 31 Phase 3 […]

  • Hidilyn, magsasanay muli sa Malaysia para sa torneyo sa Peru

    Babalik na sa pagsasanay sa Kuala Lumpur si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa susunod na buwan.     Ito ay bilang bahagi ng kanilang pagsabak sa World Championships sa Peru sa buwan ng Nobyembre.   Ayon kay Samahang Weightlifting ng PIlipinas (SWP) president Monico Puentevella na bukod sa Peru ay paghahandaan din nito ang […]

  • Mas maraming supply ng oxygen kailangan para mapaghandaan ang posibleng Delta COVID-19 surge – Vergeire

    Kailangan ng Pilipinas na madamihan ang supply ng oxygen para mas makapaghanda sakali mang magkaroon ng surge dahil sa Delta COVID-19 variant.     Nauna nang nagbabala ang DOH na posibleng magkaroon ng isa pang surge makalipas na magkaroon ng 11 local cases ng Delta variant sa Northern Mindanao, Metro Manila, Western Visayas, at Central […]