Pagbili ng mga bagong sasakyan ng DepEd, walang mali -Sec. Roque
- Published on October 29, 2020
- by @peoplesbalita
PARA sa Malakanyang ay walang mali sa ginawang pagbili ng Department of Education ng mahigit na 166 bilang ng mga bagong sasakyan, kabilang na ang 88 truck.
Ang katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matagal na itong planong bilhin ng pamahalaan.
“Lahat ng napo-procure sa taong itong eh, matagal na iyong nasa drawing board. Itong pagbili ng transportasyon ng DepEd, 2016 pa iyan na-identify na pangangailangan ng DepEd at ngayon lang iyan nabili nga ano pero iyan ay included sa 2019 budget,” ayon kay Sec. Roque.
Bago pa aniya dumating ang pandemya ay naaprubahan na ang nasabing budget.
Naniniwala si Sec. Roque na mahalaga rin ang mga sasakyan para magamit ng DepEd engineers na gumagawa at nag- iinspeksyon ng mga classroom, maging para sa module distribution.
Bukod pa sa gagamitin din aniya ito ng regional offices ng DepEd para makaikot sa mga komunidad ngayong panahon ng pandemya. (Daris Jose)
-
Kaso ng COVID-19 sa Marso, 500 kada araw na lang
INAASAHAN ng OCTA Research Group na makapagtatala na lamang ng 500 kaso ng COVID-19 kada araw pagsapit ng kalagitnaan ng buwan ng Marso. Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na base ito sa kasalukuyang pababa na ‘trajectory’ ng mga bagong kaso kada araw. Nitong Linggo, nakapagtala na lamang ng 1,038 kaso sa […]
-
Paglobo ng HIV sa tinedyer, ikinabahala ni Bong Go
NABABAHALA si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, sa ulat na pagtaas ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas, partikular sa mga kabataan. Matapos tulungan ang mga biktima ng sunog sa Davao City, binigyang-diin ni Go na kailangan na ng komprehensibo at multi-disciplinary approach upang matugunan ang […]
-
P11.6B na performance-based bonus para sa 900K school workers, inilabas – DBM
IPINALABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P11 billion para sa budgetary requirement para sa performance-based bonus (PBB) ng mahigit sa 900,000 personnel sa iba’t ibang public elementary at secondary schools sa ilalim ng Department of Education (DepEd). Sinabi ng DBM na may kabuuang P11.6 billion ang ipinalabas para sa […]