State of calamity sa buong bansa, idineklara ni Duterte dahil sa ASF
- Published on May 13, 2021
- by @peoplesbalita
Nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity sa buong bansa dahil sa African swine fever.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batay sa Proclamation No. 1143 tatagal ang state of calamity hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan maliban na lamang kung babawiin na ni Pangulong Duterteng mas maaga.
“Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng state of calamity dahil sa South African Swine Fever outbreak. Nilagdaan kahapon ang Proclamation No. 1143,” ani Sec. Roque.
Inaatasan ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan maging ang local government units (LGUs) na makipagtulungan para matiyak na matutuldukan ang paglaganap ng ASF.
Pinatitiyak din ni Pangulong Duterte na maging sapat ang supply ng karne sa palengke at maging matatag ang presyo nito.
Kinakailangan ding ayudahan ang mga magbababoy para makarekober sa ASF. (Daris Jose)
-
TONI, ni-reveal na si PEPE ang leading man sa ‘My Sassy Girl’; 2006 pa gustong gawin ang remake
KATULAD ng pinangako ng TinCan Films, magkakaroon ng separate announcement sa magiging leading man ni Toni Gonzaga, matapos na I-reveal na ang tv host/actress ang gaganap sa title role ng Philippine remake ng South Korean hit romcom movie na My Sassy Girl. Sa naturang production outfit nina Toni, in-announce na sa official Facebook […]
-
206 big ticket projects sa ilalim ng PBBM admin pinag-aaralan na – NEDA
PINAG-AARALAN na ngayon ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang nasa 206 big ticket o high impact projects sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos. Ayon sa NEDA gagawa na sila ng pinal na listahan ng mga pangunahing proyekto sa pagtatapos ng unang quarter ng 2023 kasunod ng inisyal na pagpapalabas […]
-
COMELEC AT E-MONEY TRANSFER WALA PANG KASUNDUAN
SINABI ng Commission on Elections (Comelec) nitong Peb. 8, na wala pang konkretong kasunduan sa mga e-money transfer companies para masubaybayan ang mga aktibidad sa pagbili ng boto. Gayunman, sinabi ni Comelec Spokesperson James B. Jimenez na ang poll body ay sinusubukang gawin ang isang bagay sa usaping ito. “Wala pa […]