• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, pinawi ang pangamba ng publiko na agad na tutukuyin bilang terorista

WALANG dapat na ipangamba ang publiko matapos tukuyin ng Anti-Terrorism Council (ATC) si Communist Party of the Philippines (CPP), founder si Jose Maria ‘Joma’ Sison at  18 na iba pa na mga terorista ng bansa.

 

Sa inilabas na ATC Resolution No. 16 at 17 na pirmado at inaaprubahan ni National Security Adviser (NSA) Hermogenes C. Esperon Jr. kasama sa pinangalanang terorista ng ATC ang mga miyembro ng Central Committee of the Community Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA), at Islamic rebel groups na kinapalolooban ng 29 na indibidwal sa ilalim ng Anti-Terrorism Act (ATA).

 

Tinukoy ang Bill of Rights, pinawi ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang takot ng publiko na ang sinuman na kritikal sa pamahalaan ay kagyat na babansagang terorista kahit pa walang ebidensiya at due process.

 

“Kasama po sa ginagarantiyang karapatan, freedom of speech and freedom of liberty, yung ating tinatawag na due process clause. No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, ayon kay Sec. Roque.

 

Matatandaang sinabi ni Sec. Roque na kung ang ginawang pag-aresto sa taong kritikal sa pamahalaan ay lumabag sa minimum standards na itinakda ng Bill of Rights, kagyat na idedeklara itong unconstitutional ng korte.

 

Inulit naman ni Sec.Roque ang gampanin ng ATC terrorists sa pagtukoy sa mga terorista alinsunod sa resolusyong ipinalabas ng United Nations Security Council (UNSC).

 

“Hindi lang po Pilipinas ang nagbibigay ng depenisyon sa terorismo. Those who instill fear and terror in the minds of the public through violent means is a terrorist,” aniya pa rin.

 

Aniya pa, hindi naman sekreto kung sinu-sino ang mga lokal na terorista lalo pa’t kilala naman ang mga ito sa kanilang intensyon na maging sanhi ng pagkamatay at kaguluhan.

 

“At pagdating naman po sa mga lokal na terorista, alam po natin kung sino sila dahil bagama’t mayroon tayong demokrasya, bagama’t mayroon tayong party-list system, patuloy pa rin ang paggamit ng armas para makamit ang kanilang mga layunin ,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, bukod kay Joma kabilang din  sa pinangalanang terorista ang misis  nitong si Julieta, Vicente Ladlad, Jorge Madlos, Adelberto Silva, Rey Casambre, Rafael Baylosis, at mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon at iba pa na pawang miyembro ng CPP Central Committee.

 

“I hereby approve this Resolution No. 17 and affix my signature in accordance with the Protocol for the Signing of Anti-Terrorism Council Resolutions during the New Normal,” ani Esperon.

 

Sa Resolution No. 16, ang nangunang personalidad ay kinilalang si Esmael Abdulmalik, isang Islamic State (IS) fanatic na konektado sa Dawlah Islamiyah (DI).

 

Kasama rin sa pinanga­lanang indibidwal bilang terorista ay may koneksyon sa DI, Abu Sayyaf Group (ASG), o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na kinilalang sina Raden Abu, Esmael Abubakar, Muhiddin Animbang, Salahuddin Hassan, Radzmil Jannatul, Majan Sahidjuan, Faharudin Bonito Hadji Satar, Mudsrimar Sawadjaan, at Almujer Yadah, ayon pa sa resolusyon.

 

Ayon kay Esperon, na-verify at na-validate  ang mga ito na kabilang sa nagpaplano, naghahanda at nagsasagawa ng mga hakbang na may kinalaman sa pagiging terorista.

 

Nilinaw ni Esperon na malinaw na  “master red-tagger” ay si Joma Sison at hindi ang pamahalaan.

 

Samantala, welcome naman kay Sec. Roque ang listahan ng mga designated terrorists dahil binibigyan nito ng kapangyarihan ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na i-freeze ang mga ari-arian at pondo na may kinalaman sa pagpopondo sa terorismo.

 

“Importante po ‘yan dahil kung sila po ay walang pondo e hindi na po nila mapapatuloy yung kanilang mga terroristic acts among others,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • Tiger Woods pangatlong atleta ng US na nasa billionaires list ng Forbes

    KASAMA na si golf star Tiger Woods sa listahan ng bilyonaryo na manlalaro sa buong mundo.     Inilabas ng Forbes magazine ang nasabing pagsali ni Woods sa billionaires list isang linggo ng masali si NBA star LeBron James.     Base sa Forbes na aabot sa mahigit $1.7 bilyon ang yaman nito na karamihan […]

  • Nagpaabot ng tulong ang Senator Pacquiao Foundation sa 3,000 biktima ng pagbaha sa Rizal

    Personal na binisita ni Pambansang Kamao Senador Manny Pacquiao ang ating mga kababayang Rizaleño mula sa San Mateo, Montalban at Brgy Mayamot sa Antipolo na napinsala ng bagyong Ulysses.   Nagpaabot ng tulong ang Senator Pacquiao Foundation sa 3,000 biktima ng pagbaha. Ang bawat isa ay tumanggap ng family packs na naglalaman ng mga pagkain […]

  • Red alerts sa Luzon grid, posible matapos ang May 9 polls- DOE

    MALAKI ang posibilidad na itaas ang red alerts sa Luzon power grid, na maging dahilan ng rotational power interruptions, sa susunod na dalawang linggo kasunod ng May 9, 2022 elections.     Sa virtual press briefing, sinabi ni DOE Power Industry Management Bureau Director Mario Marasigan, “considering historical data on forced or unplanned power plant […]