KRIS, pinost ang pa-sexy at almost nude pictures sa IG account; dedma na sa mapanghusgang netizens
- Published on May 18, 2021
- by @peoplesbalita
MAY pa-hashtag si Kris Bernal para sa kanyang birthday ngayong May 17.
Thirty-two year old na si Kris and most likely, her last year na single pa siya or pwedeng ang taon na magiging misis na siya dahil todo na rin ang pag-aayos niya para sa nalalapit niyang kasal sa boyfriend na si Perry Choi.
Ang pa-hashtags niya na “Kris Never Been This Free” at “Kris B at 32.”
Ang ibig bang sabihin ni Kris sa “never been this free” ay yung pagiging malaya na rin ng kanyang katawan.
Since before, aminado ito na nagkakaroon siya ng insecurity dahil ang daming pumupuna sa katawan niya na sobrang payat, to the point na sinasabihan siyang anorexic, e. katwiran niya, sobrang lakas nga raw niyang kumain.
Sunod-sunod ang pa-sexy at almost nude pose pictures ni Kris sa kanyang Instagram account. So, parang sa isip niya siguro, malaya na rin siyang i-flaunt ang katawan niya whether people find her sexy or too slim for them.
Braless at pasilip ng kanyang upper lower back or puwet sa mga pictures si Kris. At in fairness, ganda ng kurba ng lower back ni Kris.
At sa isang caption niya, tinawag nga niya itong
“Body Positivity.”
Sey pa niya, “Body positivity is not just about how someone looks. It’s embracing who you are as a person. Tbh, before I used to get affected on how people perceive how I look, “Pandak, Anorexic, Butiki, Kawayan..” and the list goes on, but now I learned how to bring positivity to myself and other people by embracing my flaws. There’s always beauty in embracing who you are and working towards making yourself better.”
***
KATULAD nang isinulat namin dati, ngayong buwan na nga ng May ang simula ng taping ng bagong teleserye ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa GMA-7 ang The World Between Us.
Naka-quarantine muna ang lahat sa designated hotel na ibibigay sa kanila ng network. At kapag walang nag-positive after seven days sa mga lead stars, tuloy-tuloy na ang taping. Diretso na ang mga ito sa location.
Ang leading lady ni Alden ay si Jasmine Curtis-Smith at kasama rin nila si Tom Rodriguez. Gayundin sina Dina Bonnevie at Jaclyn Jose. Ang script reading ay virtual na lang din nila ginawa.
Ang alam namin, sa bagong teleserye muna naka-focus si Alden ngayon. At after ng taping, saka naman niya sisimulan ang movie na pagsasamahan nila ni Bea Alonzo.
Ang unang dinig namin, July ang tentative start ng shooting, pero posibleng umabot din daw ng August ang simula. Bukod kina Bea at Alden, may isang child star rin na kasama sa movie at pina-block na rin ang schedule for the shoot.
Kaya siguradong dire-diretso na balik sa pagiging “actor” muli si Alden ngayong second half of the year.
(ROSE GARCIA)
-
4.5 milyong pasahero dadagsa sa mga terminal, airports sa Undas
AABOT sa 4.5 milyong mga pasahero ang dadagsa sa mga bus terminals, airports at seaport ngayong Undas. Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, nasa 3 milyong pasahero ang dadagsa sa airports at seaports habang nasa 1.5 milyon sa mga bus terminals. Mas mataas ito ng 20 hanggang 30 porsyento sa karaniwang bilang […]
-
Walang basehan ang mga tirada at akusasyon ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte kay PBBM
ITO ang pahayag ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe sa mga tirada at akusasyon ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte labrtean kay Presidente Bongbong Marcos. Giit nito, ang pag-atake ay pagpapakita lamang kung gaano umano kadesperado ni Duterte para mailayo ang atensiyon mula sa isinasagawang imbestigasyon sa alegasyon na crimes against humanity […]
-
COVID-19 reproduction number sa NCR bumaba sa 0.99 – OCTA
Patuloy na nakakakita ang OCTA Research group ng improvement sa reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR). Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, bumaba sa 0.99 ang reproduction number ng COVID-19 sa NCR mula sa nauna nilang report na aabot pa sa 1.03. Umaasa si David na […]