• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsalang sa bakuna kontra COVID, inihirit na isama sa mga kondisyones sa pagtanggap ng 4ps

IPINANUKALA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na gawing kondisyon ang mapasailalim sa vaccination program ng pamahalaan ang mga benipersaryo ng 4Ps.

 

Ang panukalang ito ni Sec. Roque ay bunsod ng vaccine hesitancy at umano’y ulat na nasa 30 porsiyento lamang ang nais na sumalang sa bakuna.

 

Aniya, kung maisama sa kondisyon ang pagsalang sa bakuna ng mga nakikinabang sa 4Ps ay tiyak na tataas ang bilang ng mga mababakunahan lalo na sa hanay ng mga mahihirap.

 

Aniya pa, hindi lamang sa 4Ps beneficiary maaaring maikabit ang vaccination program ng gobyerno.

 

At kung sakali namang magkaroon ng bagong ayuda sa hinaharap sa pamamagitan ng Bayanihan 3 ay maaari ring maidugtong dito ang pagbabakuna.

 

Subalit, nilinaw ni Sec. Roque na mananatili itong boluntaryo at walang pilitan ang nasabing kondisyones para makatanggap ng ayuda. (Daris Jose)

Other News
  • Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, wagi ng ginto sa FIABCI’s National and World Prix d’Excellence Awards

    LUNGSOD NG MALOLOS – Nasungkit ng “Farmers/Fisherfolks Training Center” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang gintong tropeo bilang 2022 Outstanding LGU Project – Public Infrastructure Category sa ginanap na FIABCI-Philippines Property and Real Estate Excellence Awards kamakailan sa Mindanao Ballroom, Sofitel Philippine Plaza Hotel sa CCP Complex, Roxas Boulevard, Lungsod ng Pasay, Maynila.     […]

  • OSCAR BEST PICTURE NOMINEE “KING RICHARD” OPENS EXCLUSIVELY AT AYALA MALLS CINEMAS

    FRESH from garnering six major Academy Awards nominations including Best Picture, Warner Bros. Pictures’ moving drama “King Richard” will be shown exclusively at select Ayala Malls Cinemas starting February 23.   [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/Rhi8G-Hvi30]   Based on the true story that will inspire the world, “King Richard” follows the journey of Richard Williams, an undeterred […]

  • DA, ipinag-utos na ang pagbuo ng National Agricultural and Fishery Mechanization Program

    INIHAHANDA  na ng Department of Agriculture ang mechanization plan nito para sa 2023-2028.     Ito ay matapos na ilabas ng ahensiya ang isang isang department order na siyang bubuo sa National Agricultural and Fishery Mechanization Program (NAFMP) sa kabuuan ng nasabing panahon.     Sa ilalim ng Agricultural and Fisheries Mechanization Law, kailangang bumuo […]