BAGONG MODUS OPERANDI NG MGA RECRUITERS, NABUKING NG BI
- Published on May 19, 2021
- by @peoplesbalita
NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang ilang biktima ng human trafficking na patungo sa United Arab Emirates (UAE) na binigyan ng pekeng intinerary ng kanilang recruiters.
Sa ulat ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) in Manila and Pampanga kay BI Commissioner Jaime Morente , ibinunyag nila ang bagong modus operandi ng mga babaeng Filipino workers kung saan ipinapakita ang kanilang work documents na patungo sila sa Maldives, pero sa katotohanan ay sa UAE.
Ayon kay Morente ang modus operandi na ito ay ang makalumang style ng pagre-recruite kung saan ang isang OFW ay ipinapadala sa isang bansa subalit sa kalaunan ay sa ibang bansa ito magtratrabaho.
Ang nasabing modus operandi, ayon kay Morente ay kadalasang nakikitang nabibiktima mula sa bansang Syria.
Ayon sa TCEU Officers mula sa NAIA Terminal 3, na ang mga nasabat ay dalawang babaeng OFWs na may edad 26 at 33 na nagpakita ng valid overseas employment certificates (OFCs) work visas patungong Maldives, employment contracts, at itineraries patungong Maldives.
Pero noong binirepika nila sa online nalaman na ang dalawang biktima ay may valid tourist visa para sa UAE. Inamin naman ng mga biktima na nakuha lamang nila ang kanilang mga dokumento bago ang kanilang pag-alis habang sinabi ng isa sa biktima na pinayuhan siya ng kanyang recruiter na itago nila ang kanilang UAE visa. Inamin din nila na nag-apply sila bilag mga domestic helps subalit binigyan sila ng dokumento na magtratrabaho bilang mga sales assistant sa Maldives.
Habang nasabat naman ng mga opisyal ng TCEU sa Clark International Airport ang dalawang kababaihan na may edad 34 at 36 kung saan nagpakita ng mga dokumento na magtratrabaho bilang attendant at receptionist sa Maldives subalit nabuking na meron silang UAE visas.
“This scheme victimizes our kababayan and tricks them into accepting offers below standard rates,” ayon kay Morente. “When they get to the third country, many end up being abused but do not report for fear of being deported,” dagdag pa nito.
“When we intercept such cases, we furnish the Philippine Overseas Employment Administration a copy of our report, and we are very thankful that they have been very active in suspending or cancelling the accreditation of the erring agency,” ayon kay Morente. “Stopping these illegal schemes really needs the cooperation of different government agencies that must work hand in hand to eliminate this societal ill,” ayon pa sa kanya.
Ang mga biktima ay na-turn over sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa karampatang pagpa-file ng kaso laban sa kanilang recruiters. (GENE ADSUARA)
-
‘Pinoy Tasty’ at ‘Pinoy Pandesal’ may taas presyo na
IPINAGTANGGOL ng grupo ng mga panadero ang pagpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang “Pinoy Tasty: at “Pinoy Pandesal”. Mayroon kasing P40.50 ang presyo ng Pinoy Tasty mula sa dating P38.50 kada balot hbang ang Pinoy Pandesal ay nasa P25.00 kada balot na mayroong P1.50 ang pagtaas. Ang nasabing dagdag presyo isang […]
-
Kelot dinampot sa baril at pagbabanta sa kapitbahay sa Malabon
SHOOT sa selda ang isang lalaki matapos tutukan ng baril at pagbantaan ang isa sa grupo ng magkakamag-anak na nag-iinuman at nagkakantahan sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Sa ulat, masayang nag-iinuman at nagkakantahan ang magkakamag-anak na pawang residente ng 94 F. Flovi 6, Brgy. Tonsuya nang puntahan sila ng matandang lalaking […]
-
Ads February 2, 2024