Bello binakunahan, hinikayat ang nasa priority group na magpabakuna din
- Published on May 19, 2021
- by @peoplesbalita
Binakunahan si Labor Secretary Silvestre Bello III ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Ilagan City, Isabela nitong Sabado, ulat ng DOLE regional office 2.
Ang bakuna ay pinangasiwaan ng kawani mula sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC), na siyang tumulong sa labor secretary sa paghahanda at aktwal na pangangasiwa ng bakuna.
Kabilang si Bello sa priority group batay sa listahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa ilalim ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) prioritization framework and criteria, kabilang sa grupo ng mga senior citizens.
Ang prioritization framework ng IATF ay upang tiyakin na ang mga may pinakamataas na peligro na mahawaan at mamatay ay maprotektahan mula sa sakit.
Matapos mabakunahan, hinikayat ni Bello ang mga nasa priority group na magpabakuna upang kahit paano ay mabawasan ang pagkagambala sa pag-unlad ng lipunan at ekonomiya sanhi ng pandemya.
“Hinihikayat ko ang aking mga kapwa manggagawa at iba pang nasa priority group na magpabakuna. Samantalahin natin ang libreng programa sa pagbabakuna upang tuluyan na nating malampasan ang pandemyang ating dinadanas,” pahayag ni Bello. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
May paliwanag si Sen. Jinggoy tungkol sa isyu: KAREN, nagpaalala sa lawmakers na itigil ang ‘victim-blaming’
NAKATANGGAP nga kritisismo at pamba-bash si Sen. Jinggoy Estrada dahil sa pagiging “harsh” daw nito kina Sandro Muhlach at Gerald Santos sa Senate hearing. Kaya ikinatuwa ng netizens na hindi agree kay Sen. Jinggoy sa ginawang pagpapaalala ni Karen Davila, na hindi sila ‘gods’ at dapat itigil ang ‘victim-blaming’. […]
-
Ex-PAL president tinalaga sa DOTr bilang bagong kalihim
TINALAGA ni incoming president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si dating Philippine Airlines president Jaime Bautista bilang kalihim ng Department of Transportation (DOTr). Sa isang isang press statement na binigay ni press secretary-designate Trixie Cruz-Angeles, si Bautista ay isang beteranong airlines executive na may 25 na taon experience sa ating flag carrier na PAL […]
-
COMELEC, MAGSASAGAWA NG EN BANC MEETING
MAGKAKAROON ng en banc meeting ang Commission on Election (Comelec) sa Feb.9 . Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez magsisilbing isang organizing meeting para sa bagong commission en ban na ito at sa bagong listahan ng mga komite. “That’s where they will discuss the compositions of the divisions siguro magkakaroon ng […]