• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LeBron James may buwelta sa mga kritiko

Binuweltahan ni NBA star LeBron James ang kaniyang mga kritiko.

 

 

Kasunod ito ng pagkakatala niya sa loob ng 17 na magkakasunod na season bilang manlalaro na mayroong average na 25 points kada laro.

 

Dahil dito, nalampasan na niya sina Michael Jordan, Kobe Bryant at Kevin Durant na mayroong 12 total seasons na pumuntos ng 25 points kada laro.

 

 

Sa kaniyang social media sinabi nito na noong nagsisimula pa lamang siya ay hindi ito gaano mahilig mag-shoot at sa halip ay puro ito pasa sa mga kasamahan kaya hindi niya akalain na makakamit nito ang karangalan.

 

 

Pang-aasar pa niya sa mga kritiko na nais niya talagang maging tagapasa lamang subalit pinipili siyang gumawa ng maraming score.

 

 

Sa kasalukuyan ay nasa pangatlong puwesto na ito sa all-time scoring list na mayroong 35,367 na sumusunod kay Karl Malone na mayroong 36,928 at Kareem Abdul-Jabbar na mayroong 38,387.

Other News
  • Austria gagawing mandatory na ang COVID-19 vaccination

    PLANO ng Austria na gawing compulsary ang COVID-19 vaccination.     Dahil dito ay magiging kauna-unahang bansa sa Europa ang Austria na gawing mandatory ang pagpapabakuna na magsisimula sa buwan ng Pebrero.     Sinabi ni Chancellor Karl Nehammer na ang hindi magpapabakuna ay mahaharap ang mga ito ng mabigat na kaparusahan.     Aabot […]

  • Relationship status ni PBBM sa pamilya Duterte, ‘It’s complicated.’

    “IT’S COMLICATED.”     Ganito ilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang relasyon sa pamilya Duterte.     Tinanong kasi ang Pangulo sa Foreign Correspondents Association of the Philippines’ (FOCAP) presidential forum sa Manila Hotel kung ano na ang kalagayan ng kanyang relasyon sa pamilya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.     Inamin […]

  • PDu30, bumisita sa Cardinal Santos Medical Center

    KINUMPIRMA ng Malakanyang na bumisita si Pangulong   Rodrigo Roa Duterte sa Cardinal Santos Medical Center sa  San Juan para lamang sa kanyang  routine medical check-up.     Hindi naman malinaw kung may kinalaman ang pagbisita ng Pangulo sa nasabing ospital matapos na ma- exposed siya  kamakailan lamang  sa kanyang  household staff na nagpositibo  sa COVID-19. […]