LIZA, nag-react sa pekeng Facebook account na nag-post ng pagsali niya sa ‘Miss Universe’ at nakikiusap na i-report
- Published on May 19, 2021
- by @peoplesbalita
NAG-REACT nga sa isang Facebook ang Kapamilya actress na si Liza Soberano na may connect sa pagkatalo ni Rabiya Mateo sa 69th Miss Universe pageant.
Sa FB account na ‘Liza Soberano’, nilagay ng poser ang comment niya na, “Pag si Rabiya talaga ‘di maiuwi ang crown, ako talaga sasali next year!” na agad umani ng libu-libong reaksyon mula sa netizens.
Nag-post pa ito ng, “Bawi tayo next year! Ako bahala.”
Agad ngang nag-react si Liza nang makarating sa kanya ang pekeng FB account at sa kanyang Instagram account, nilagay niya ang screenshots ng viral Facebook post sa Instagram Stories.
Sabi ni Liza, “Hello, everyone! Just dropping by to say that I do not have a Facebook account.
“This account has been posing as me and has been making very questionable and detrimental statements.
“Please help me spread the words and report this account.”
Matagal nang nasagot ng girlfriend ni Enrique Gil na wala talaga siyang kabalak-balak na sumali sa beauty pageants kahit marami ang nagkukumbinsi sa kanya maging ang Miss Universe winners na Pia Wurtzbach at Catriona Gray.
“As much as I am flattered and grateful for all of your support and comments saying that I should give Miss Universe a try, I really don’t think it is for me,” paliwanag niya.
“I’m an introvert and stages with a huge audience scare me half to death (as ironic as it may sound).”
Samantala, nag-react din ang netizens sa kilalang entertainment website tungkol sa isyung ito at ang opinyon nila:
“Another introvert na mataray that acts like she knows it all? Did you see those women earlier? Di mo carry girl.”
“Paano naging mataray sya at know it all eh alam nya pinagsasabi nya? Mas di mo keri. Sana nagbasa wala syang balak sumali.”
“Dba sabi nga nya d para sa kanya ang Ms U. Haist.”
“She has a beautiful face but doesn’t have that long and lean body of a model. Almost all the candidates in Ms U were super model ang dating.
“she has the looks, but definitely would not do well in q & a. Interviews pa lang nya always sound so scripted.”
“Wala syang balak sumali ano ba? Di marunong magbasa? Anyway sya lang naman sa mga kasabayan nya may sense at pake sa bansa.”
“her opinions are mostly out of line. To the point that they come out in a ‘trying to sound intelligent but fails’.”
“learn to defend liza without dragging other people din minsan, dyan lang kayo nagreresort magmukha lang brainy si sinigang.”
“Ever since Liza has no intention of joining beaucons..it’s not her cup of tea.”
“Wag na kasing ipilit kung ayaw nya mas nakakahiya kasi kung hindi manalo.”
“There is a first part which is more important as the fake account passing as her writing things liza would never say and then is being detrimental to her brand image.”
“Irrelevant because she has no desire to compete so she could be 1m50 or 1m90 this is not a important information.”
“Ano bang mali sa lower part baks? Ang ganda kaya ng katawan nya. May b@@bs, balakang at butt nman. At lalong may gandang panlaban.”
“anong unproportioned? Coke body nga si ateng. At anong workshop? Ayaw nga nya sumali. Ang kulit.”
“Gigil na gigil tards ni liza. Oo gets namin ayaw nya. Pero ang sinasabi nila let’s say gusto nya. So kun ayaw nya bawal na umopinyon mga tao about how they think she will fare?”
“At least pang Miss Universe beauty ni Liza and Hindi pang Miss Barangay. Lol. but she says it’s not for her, nothing wrong with that.”
(ROHN ROMULO)
-
Nasita sa city ordinance, binata buking sa shabu
KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang binata matapos makuhanan ng shabu makaraang tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa paglabag sa city ordinace sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Valenzuela police Sub-Station 2 Commander P/Major Randy Llanderal ang suspek bilang si Christian Santiago, 30, construction worker ng 6111 […]
-
Pagsusuot ng face shields mandatory na sa Agosto 15
Simula sa Sabado, Agosto 15 ay magiging mandatory na ang pagsusuot ng face shields sa sinumang bumibiyahe sa pamamagitan ng pampublikong transportasyon. Inatasan na ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon Jr. ang lahat ng opisyal ng transportation sectors na istriktong ipatupad ang naturang polisiya sa mga lugar kung saan […]
-
Ads September 13, 2023