• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Steph Curry inangkin ang ika-2 NBA scoring title

Napasa­kamay ni Stephen Curry ang kanyang ikalawang NBA scoring crown habang inangkin ng Portland Trail Blazers ang No. 6 berth sa Western Conference playoffs sa pagtatapos ng regular season games.

 

 

Sa San Francisco, nagpasabog si Curry ng 46 points sa 113-101 pagbugbog ng Golden State Warriors (39-33) sa Memphis Grizzlies (38-34) para kunin ang No. 8 spot sa play-in tournament sa West.

 

 

Nakamit ng 33-anyos na si Curry, naglista ng 32.0-point scoring average sa regular season, ang ikalawa niyang scoring title matapos noong 2015-16 season.

 

 

Sa Portland, tumipa si Damian Lillard ng 22 points at 10 assists sa 132-116 paggupo ng Trail Blazers (42-30) sa Denver Nuggets (47-25) at kunin ang No. 6 seat sa West playoffs.

 

 

Muling maglalaban ang No. 6 Blazers at No. 3 Nuggets sa first round ng playoffs.

 

 

Ang panalo ng Bla­zers ang naghulog sa nagdedepensang Los Angeles La­kers (42-30) sa play-in tournament sa kabila ng 110-98 panalo sa talsik nang New Orleans Pelicans (31-41).

 

 

Sasagupain ng No. 8 Warriors ang No. 7 Lakers sa play-in tournament sa West at lalabanan ng No. 9 Grizzlies ang No. 10 San Antonio Spurs (33-39).

 

 

Sa Sacramento, humataw si Fil-Am Jordan Clarkson ng 33 points sa 121-99 pagsagasa ng Utah Jazz (52-20) sa talsik nang Kings (31-41) para kunin ang No. 1 spot sa West playoffs.

 

 

Sa Atlanta, inupuan ng Hawks (41-31) ang No. 5 seat sa East playoffs sa 124-95 pagdomina sa talsik nang Houston Rockets (17-55).

 

 

Sa New York, naglista si Kevin Durant ng 23 points, 13 assists at 8 rebounds sa 123-109 panalo ng Brooklyn Nets (48-24) sa talsik nang Cleveland Cavaliers (22-50) para sa No. 2 berth sa East playoffs.

 

 

Inangkin naman ng New York Knicks (41-31) ang No. 4 spot sa East sa 96-92 pagdaig sa Boston Celtics (36-36).

Other News
  • Makakalaban niya si VM Yul ‘pag natuloy… GRETCHEN, matunog pa rin ang pangalan na tatakbong Vice Mayor

    SA isang umpukan ng mga kasamahang kagawad ay napadako ang usapan namin sa mga taga-showbiz na possible pumalaot sa pulitika.     Siyempre sa Maynila ay andyan at nag-iikot na sa Tondo anak ni Yorme Isko Moreno na si Joaquin Domagoso.       May mga pangalan pang lumutang pero hindi pa sila nagpaparamdam.   […]

  • Matandang dalaga kulong sa P340K shabu sa Caloocan

    ISANG 39-anyos na dalaga na itinuturing bilang isang high value individual (HVI) ang dumayo pa umano para magbenta ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang […]

  • Parang sundalo raw talaga kung kumilos: COCO, puring-puri ni SMUGGLAZ dahil napaka-propesyunal

    HALOS bumalik na nga ang normal na sitwasyon matapos magtuluy-tuloy na bumaba ang mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Ano ang nararamdaman ni Smugglaz na buhay na buhay na muli ang industriya ng musika na isa sa tinamaan ng pandemya noong taong 2020?       Aniya, “Sobra po akong nagpapasalamat, sobra akong grateful, […]