JANINE, nilinaw na matatagalan pa bago sila magpakasal ni RAYVER; looking forward sila ni JC na maipalabas sa sinehan ang ‘Dito at Doon’
- Published on May 20, 2021
- by @peoplesbalita
MATAGAL nang gustong makagawa ng pelikula ni Janine Gutierrez sa TBA, producer ng award-winning movie na Heneral Luna at Goyo.
Kaya naman nang dumating sa kanya ang offer to do Dito at Doon tinanggap niya agad ito kahit wala pa ang script sa kanyang mga kamay.
“I heard na may offer ako from TBA kung saan makakatrabaho sina Direk JP Habac at JC Santos. I said yes na agad kasi I want to work with TBA,” sabi ng Best Actress awardee ng Gawad Urian at FAMAS for Babae at Baril sa thanksgiving presscon ng Dito at Doon.
Tama naman ang naging desisyon ni Janine dahil critically-acclaimed ang pelikula na ang setting ay during the pandemic. Successful ang streaming nito online at pwede na rin itong mapanood kahit ng fans ni Janine abroad.
Sa thanksgiving presscon ay sinagot din ni Janine ang tanong if she is looking forward na maipalabas ang Dito at Doon sa big screen kapag nagbukas na muli ang mga sinehan.
“Iba pa rin ang experience na manood ng movie sa sinehan. It is also an experience to watch a movie at home. Pero I am looking forward to see ‘Dito at Doon’ sa moviehouse.
“This is a special movie for me kasi we know it’s pandemic pero TBA made an effort para makagawa ng movie like this kahit na mahirap ang sitwasyon,” sabi ni Janine.
Doing this movie gives her hope. Hindi raw kasi natin alam what direction to take nang magkaroon ng pandemic.
“But it is very brave for TBA to take this risk para gawin ang ‘Dito at Doon’ kung saan alagang-alaga nila kami every step of the way. It is my hope na marami pa rin ang manood ng movie online.”
Tinanong din si Janine about her post kung saan parang nagpapahiwatig ito ng malapit na siyang magpakasal.
Pero sabi ng aktres na malayo pa raw iyon mangyari at alam daw iyon ng boyfriend niya na si Rayver Cruz.
***
PARA naman kay JC Santos, pag-asa rin ang dala sa kanya ng pelikulang Dito at Doon.
Nasa survival mode kasi tayo since nagkaroon ng pandemic and after watching the movie, it gives one the feeling of hope.
At tulad ni Janine Gutierrez, JC is also interested na mapanood ang Dito at Doon sa mga sinehan if and when cinemas are allowed to open.
“Iba pa rin ang experience na makapanood tayo sa sinehan. Iba ang pakiramdam. Iba rin ang fulfillment. Kasi masasabi mo na nag-enjoy ka experience mo at sulit ang panonood mo. I miss that feeling na spectator ka sa isang malaking sinehan. I miss that. Sana maibalik na iyon.”
Dahil sa magandang reviews sa Dito at Doon, marami ang nagtatanong kung magkakaroon ba ito ng sequel.
Ayon kay Direk JP Habac, hindi pa rin niya ito napag-iisipan pero open naman siya sa possibility.
Para naman kay JC, maganda kung magkakaroon ito ng sequel at kung sakali, gusto niya na si Enchong Dee ang maging ka-love triangle nila ni Janine.
“Enchong is a very nice guy. Mabait siya. Gusto ko siyang makakwentuhan at marinig kung ano ang laman ng isip niya.”
(RICKY CALDERON)
-
Sobrang saya na kasama ang movie sa ‘2023 MMFF’: VILMA, excited nang mag-promote at sumama sa ‘Parade of Stars’
MASAYANG-MASAYA si Star for All Seasons Vilma Santos at feeling nasa cloud nine, nang malamang kasali ang reunion movie nila ni Christopher de Leon, ang “When I Met You in Tokyo” sa 49th Metro Manila Film Festival sa December. Nagpasalamat si Ate Vi sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakasama ang kanilang […]
-
PAGBAWI SA PRODUKTONG NOODLES, INIIMBESTIGAHAN
NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Food and Drug Administration (FDA) sa ulat ng pagbawi o pag-recall sa isang produkto ng noodles . Sa inilabas na FDA Advisory ni Officer in Charge Director General Dr.Oscar Gutierrez, Jr para sa mga konsyumer, sinabing nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa food business operator upang suriin ang kanilang […]
-
Malakanyang, inanunsyo ang mga bagong appointees sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, GOCCs
INANUNSYO ng Presidential Communications Office (PCO) ang pinakabagong appointments sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at government-owned and -controlled corporations. Kasama sa mga bagong appointees sina: Department of Agriculture Genevieve E. Velicaria-Guevarra, Assistant Secretary Celso C. Olido, Director III Maria Melba B. Wee, Director III Philippine Rubber Research Institute Cheryll L. […]