• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas no. 3 sa SEA sa ‘vaccination rollout’

Inihayag kahapon ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na kasalukuyang nasa ikatlong ranggo ang Pilipinas sa Southeast Asia (SEA) sa ‘vaccination rollout’.

 

 

Sa datos ng NTF, nakapagtala na ang Pilipinas ng 2,623,093 doses na naibigay sa publiko mula nang mag-umpisa ang ‘vaccination’ nitong Marso 1 gamit ang mga bakunang Sinovac, AstraZeneca at Sputnik V.

 

 

May ‘7-day average’ ang Pilipinas na 69,760 doses na naituturok sa ngayon habang nsa 35,933 doses ang daily average mula nang um-pisahan ng pamahalaan ang vaccination.

 

 

Nangunguna sa SEA ang Indonesia na nag-umpisa ng vaccination noong Enero 13 at mayroon nang kabuuang 22.6 milyong doses na naiturok habang panga­lawa ang Singapore na may 3.13 milyong doses nang naibigay mula nang mag-umpisa ang kanilang vaccination noong Disyembre 30, 2020.

 

 

Sa buong mundo, nakaupo ang Pilipinas sa rank 41 sa 195 bansa habang pang-15 rin ito sa 47 bansa sa Asya.

 

 

Ang ‘focus area’ ngayon ng NTF sa vaccination ay ang National Capital Region kasama ang mga katabing lalawigan ng Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas at Rizal na may alokasyon na 3.3 milyong doses kkada buwan.

 

 

Kasama rin sa ‘focus area’ ang Metro Cebu at Metro Davao na may alokasyon na 400,000 doses ng bakuna kada buwan. (Daris Jose)

Other News
  • KEN’S A 10 IN HIS OWN MUSIC VIDEO “JUST KEN” FOR “BARBIE” MOVIE

    GET in Ken’s head and feel the Ken-rgy  Watch Ryan Gosling get emotional as Ken in the music video “Just Ken.” “Barbie,” directed by Greta Gerwig and featuring a star-studded cast led by Margot Robbie and Gosling, opens in Philippine cinemas July 19.        “Just Ken” on YouTube: https://youtu.be/t0F0_jYez20 Facebook: https://fb.watch/lLw5tVTMHj/       The highly […]

  • Ads July 7, 2021

  • Obiena handang sagutin ang kaso sa kanya ng PATAFA

    Nalungkot pero hindi na nasorpresa si Filipino Olympic pole-vaulter EJ Obiena sa desisyon ng Philippine Atheltics Track and Field Association (PATAFA) na tanggalin siya sa national team at sampahan ito ng kaso.     Sinabi nito na tila guminhawa na ang kaniyang pakiramdam dahil sa alam niyang kakasuhan siya at handa nitong harapin ang anumang […]