Ilang mga alkalde hindi sang-ayon sa isinusulong ng DILG sa hindi na pag-anunsiyo ng bakuna
- Published on May 22, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi sang-ayon ang ilang alkalde sa Metro Manila sa panukalang hindi na sabihin sa mga mamamayan ang COVID-19 vaccine na ituturok sa kanila.
Kasunod ito sa naging pahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduard Año na dapat hindi inaanunsiyo ang mga brand na gagamitin ng mga LGU para hindi na magkaroon ng pilahan.
Ayon kina Navotas City Mayor Toby Tiangco at Marikina Mayor Marcelino Teodoro na dapat pag-aralang mabuti ng gobyerno ang nasabing direktiba dahil magdudulot ito kawalan ng tiwala ng mga tao sa bakuna.
Sinabi naman ng Marikina Mayor na ang vaccination process ay maging deliberative at karapatan din aniya ng mga tao na malaman ang bakuna na ituturok sa kanilang katawan.
Magugunitang nagbunsod ang desisyon ng DILG sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH).
Tiniyak din ng DOH na ang lahat ng mga bakuna ay dumaan sa matinding pag-aaral kaya ito ay epektibo.
Paliwanag pa ni Ano na kanila pa ring nirerespeto ang right to information ng mga indibidwal.
Kaya sila naglabas ng nasabing desisyon ay para maiwasan na ang naganap na pagdami ng mga tao na pipila sa mga vaccination center.
Magugunitang dumami ang pumila sa mga vaccination site matapos na ianunsiyo ng mga LGU na ang gagamitin na mga bakuna ay galing sa western brand. (Gene Adsuara)
-
COVAX INAPRUBAHAN NA ANG $150-M PARA SA MGA MAHIHIRAP NA BANSA
INAPRUBAHAN na ng GAVI vaccine alliance’s board ang $150 million na pondo para matulungan ang 92 na low and middle income na bansa sa paggawa ng bakuna laban sa coronavirus. Ang inisyal na pondo ay para makatulong sa COVAX facility sa kanilang operational level at matiyak ang routine immuniza- tion programs sa mga karapat- […]
-
Ads January 8, 2021
-
Pag-IBIG members, makakukuha ng mas maraming benepisyo
MAGANDANG balita para sa mga Pag-IBIG Fund members dahil nakatakdang I-enjoy ng mga ito ang “doubled savings at higher cash loan entitlements” habang patuloy na mayroong access sa abot-kayang home loans, sa kabila ng nakatakdang pagtataas sa monthly contribution rate kapuwa sa mga miyembro at employers nito simula sa susunod na buwan. Sa […]