COVID-19 vaccine brands, puwede nang sabihin sa recipients sa inoculation centers
- Published on May 24, 2021
- by @peoplesbalita
MAAARING isiwalat ng mga awtoridad ang COVID-19 vaccine brands sa kanilang recipients sa inoculation centers.
Ito’y matapos na ipagbawal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang local government sa pag-anunsyo ng brand names para maiwasan ang mass gatherings.
“Malinaw ang paliwanag ng DILG na bagama’t hindi iaanunsyo ng LGU ang vaccine brand, sasabihin sa mababakunahan ang vaccine brand habang nasa vaccination center,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
“Hindi ililihim sa mababakunahan ang bakunang ibibigay sa kaniya. Karapatan n’yo po itong malaman at tanggihan ito,” anito.
Kaya hinikayat ni Sec. Roque ang publiko na iwasan na ang maging “choosy” sa vaccine brands.
Ang lahat ng COVID-19 vaccine ani Se. Roque ay dumaan sa masusing pagsusuri ng local at international drug regulators.
“Ang pinakamabisang bakuna ay ang bakunang ituturok sa inyo pong mga braso,” anito.
“Totoo po, meron tayo lahat karapatan para sa mabuting kalusugan, pero hindi naman po pupuwede na pihikan. Napakadaming Pilipino na dapat turukan,” ayon pa kay Sec. Roque.
Sabi pa ng opisyal, wala namang pilitan sakaling ayaw ng isang indibidwal na magpaturok ng bakunang ibibigay sa kaniya.
“Wala pong pilian, wala po kasing pilitan… Tama lang naman po ‘yan, walang pilian kasi hindi naman natin mako-control talaga kung ano’ng darating at libre po ito,” aniya.
Sa ngayon, nakakuha na umano ang Pilipinas ng garantiyang suplay mula sa vaccine maker ng China na Sinovac. Meron na rin daw mula sa AstraZeneca at Serum Institute ng India.
-
NEDA Board, aprubado ang pagbabaho sa flood control projects sa Cavite, NCR
NAGBIGAY ng ‘go signal’ ang National Economic and Development Authority (NEDA) Board para palawigin ang construction period at iba pang adjustments sa Cavite Industrial Area-Flood Risk Management Project (CIA-FRIMP) at Pasig-Marikina River Channel Improvement Project (PMRCIP) – Phase IV. Ang NEDA Board sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bilang chairman, […]
-
Balitang pinaghahandaan na ng GMA ang kanilang serye: JOHN LLOYD, nagbiro na matagal nang naka-stand by para sa project nila ni BEA
NAKATUTUWA si John Lloyd Cruz nang ma-interview siya sa Chika Minute ng ’24 Oras’ na nanawagan sa dating ka-loveteam na si Bea Alonzo. “Ang tagal ko na pong naka-stand by Miss Bea. Waiting lang po ako, anytime po on your cue,” biro pa ni JLC. Actually, may nagkuwento sa amin na pareho […]
-
Ads June 25, 2024