• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbebenta ng bakuna laban sa Covid-19 at slot, bawal-Malakanyang

IPINAGBABAWAL ng pamahalaan ang pagbebenta ng bakuna at slot.

 

Napaulat kasi na hindi lalagpas sa P15,000 pesos ang ibinebentang bakuna, depende sa brand at pag-aalok ng slots sa COVID-19 vaccination program.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, pupuwedeng makulong at makasuhan ang isang indibidwal na sangkot sa ganitong ilegal na gawain.

 

“Well, ‘yan po ay pinagbabawal. Wala pong bakuna na binebenta dahil wala pa pong bakuna na binigyan for commercial used. Kaya po hindi dapat ibenta ang mga bakuna eh lahat po iyan ay nasa Emergency Used pa lamang . Hindi pa po tapos yan sa 4th clinical trial,” ayon kay Sec. Roque.

 

“So, kapag kayo po ay nahuli na nagbebenta ng bakuna wala pang commercial used eh pupuwede po kayong makulong sang-ayon po sa mataas na nagbuo ng Food and Drug Authority sa Pilipinas. Kasi mayroon po tayong tinatawag na penal clause,” dagdag na pahayag nito.

 

Ukol naman aniya sa nagbebenta ng slot ay ipinagbabawal din ito at pupuwede ring makasuhan para sa paglilinlang na krimen.

 

“Kasi wala naman pong karapatan ang kahit na sino na magbenta ng kanilang slot,” aniya pa rin.

 

 

Samantala agad natukoy  ng Phi­lippine National Police (PNP) ang ilang indibidwal na sangkot sa umano’y pagbebenta ng Covid-19 vaccination slots sa ilang lungsod sa Metro Manila.

 

 

Sinabi ni PNP Spokesperson B/Gen. Ronaldo Olay na isinasagawa na ngayon ang imbestigasyon sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

 

 

“May mga impor­masyon na tayo at may mga tao na o persona­lities na na-identify through sa ating backtracking sa mga bagay na ‘yan” ani Olay.

 

 

Tumanggi naman si Olay na ibunyag ang mga pangalan ng mga ito sa pangamba na magkaroon ng aberya o anumang pagkaantala sa imbestigasyon.

 

 

Matatandaang noong nakaraang linggo ay nag-viral sa social media ang umano’y bentahan ng vaccination slots na umaabot sa P8,000 hanggang P12,000 bawat isa ang presyo. Ang lungsod ng San Juan at Mandaluyong ang ilan sa mga sinasabing nagkakaroon ng vaccination for sale.

 

 

Apela ni Olay sa publiko, huwag magpaloko dahil naglipana ngayon ang mga nagsasamantala sa pandemya.

 

 

Mas makabubuti na agad na ireport sa “E-Sumbong” upang agad na maaksiyunan ng pulisya. (Daris Jose)

Other News
  • Confidential funds, nakalaan para sa national firewall, expert training- DICT

    GAGAMITIN ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang confidential funds nito para maglagay ng firewall at sanayin ang cybersecurity experts.     Muli kasing inilaan ng  House panel  ang P300 million sa confidential funds sa panukalang  budget ng DICT sa intelligence agencies.  Mananatili namang inilaan ng DICT  ang P25 million mula alokasyon para […]

  • Unang batch ng bakunang Pfizer laban sa Covid-19, wala pang arrival date-Malakanyang

    WALA pang arrival date para sa first batch ng 117,000 Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines sa ilalim ng COVAX facility.   “Wala pa po tayo naririnig na balita,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   “Dahil ‘yan po ay ipapadala sa pamamagitan ng eroplano. Ang inaasahan natin ay magbibigay notisiya ang Pfizer sa atin kung naisakay na […]

  • Duterte ‘di tatakbo sa 2022 polls kung matutuloy ang presidential bid ni Mayor Sara – Nograles

    Handa umano si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang ituloy ang kanyang pagtakbo sa pagka-bise presidente sa halalan sa 2022.     Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang panayam, ito ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte sakali namang ituloy ni Davao City Mayor Sara Duterte ang presidential bid nito.     Ayon kay […]