‘Mix and match’ trial sa COVID-19 vaccines sasalang sa Hunyo
- Published on May 26, 2021
- by @peoplesbalita
Sisimulan na sa susunod na buwan ang pag-aaral sa ‘mix-and-match’ ng COVID-19 vaccine brands habang ang bansa ay hindi pa nakatatanggap ng matatag na supply ng mga doses.
Ayon kay Science and Technology Sec. Fortunato dela Peña, ang mixing and matching trial ay tatagal ng 18-buwan na lalahukan ng 1,200 indibiduwal.
Hinihintay na lamang ng DOST ang pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA) at Health Research Ethics Board bago simulan ang trial.
“Ito po ay magkaibang bakuna sa 2 doses. Meron po tayong 7 bakuna na approved with an EUA (emergency use authorization) pero ’di po natin masiguro kung darating sa tamang petsa yung kailangang second dose kaya mangangailangan tayo na magkaroon ng kombinasyon ng bakuna,” paliwanag ni dela Peña.
“Gagamitin po ‘yan para magkaroon tayo ng basis kung alin ang magandang ipag-mix. Puwede naman lahat ’yan kaya lang titingnan ano ang mas magandang kombinasyon.”
Nakapokus ang paghahalo sa Sinovac at sa iba pang brand na mayroon pa ang bansa.
Magmumula ang mga participants sa Manila, Rizal, Pasig, Makati, Pasay, Muntinlupa, Cebu at Davao, ani Dela Peña.
Nauna nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na layunin ng gobyerno na makapagbakuna ng 120,000 katao kada araw sa Metro Manila at 500,000 sa mga pangunahing sentro ng ekonomiya sa buong bansa sa Nobyembre.
Kailangang mabakunahan aniya ang nasa 70 milyon o 2/3 ng populasyon bago magtapos ang taon upang makamit ang herd community. (Daris Jose)
-
DTI nilinaw na para sa international promotion ang pagluluto ng adobo standards
Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na para lamang sa international promotions ang panukalang adobo standard at hindi ito mandatory standard sa mga kabahayan. Ayon sa DTI na ang panukala na magkaroon ng standard recipe para sa mga pagkaing Pinoy gaya ng adobo na magkaroon ng traditional recipe ay naisip para […]
-
Sa viral ‘kandungan’ video nila ni Kobe: KYLINE, walang dapat i-explain and ‘what you see is what you get’
PATULOY ngang naba-bash ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara, matapos mag-viral ang ‘kandungan’ video nila ng rumored boyfriend na si Kobe Paras. Makikita nga sa kumalat na video na nakakandong si Kyline kay Kobe habang kumakanta ang huli ng “Hinahanap-Hanap Kita” ng Rivermaya. Nakapulupot ang mga braso ng cager sa baywang ng dalaga hanggang […]
-
Balik-tambalan, ‘gift’ nila sa mga fans at supporters: MAJA, inaming si RK lang ang naisip na maging partner sa ‘Oh My Korona’
NGAYONG Sabado, Agosto 6 mapapanood na isang kakaibang sitcom na magpapakita ng mga kuwelang eksena sa buhay ng mga showbiz hopefuls na nakatira sa ilalim ng iisang bubong. Inihahandog ito ng Cignal Entertainment at Crown Artist Management, ang Oh My Korona na pinagbibidahan ng versatile actress at Majestic Superstar ng TV5 na si […]