• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mas mabilis at maliksi ako kay Spence- Pacquiao

Matinding kalaban si Errol Spence Jr. na may bitbit na dalawang korona – ang World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight titles.

 

 

Mas bata rin ang 31-anyos na si Spence kumpara sa 42-anyos na eight-division world champion Manny Pacquiao.

 

 

Ngunit hindi ito hadlang para kay Pacquiao.

 

 

Sa halip, ipinagmalaki nito na ‘di hamak na mas mabilis at mas mabagsik ang kanyang kamao kumpara kay Spence.

 

 

Bukod pa rito ang malalim na karanasan ni Pacquiao na nahubog sa mahigit dalawang dekada nito sa industriya.

 

 

“I’m faster and stronger than him,” ani Pacquiao sa panayam ng The Athletic.

 

 

May halos dalawang taon na natengga si Pacquiao dahil sa pandemya kung saan huli itong su­malang sa aksyon noong 2019 matapos agawin ang korona ni World Boxing Association (WBA) welterweight Keith Thurman via split decision.

 

 

Subalit hindi uso sa kanya ang pangangalawang.

 

 

Sa katunayan, magandang pagkakataon pa ang mahabang pahinga upang makarekober ang kanyang katawan.

 

 

Selyado na ang Pacquiao-Spence blockbuster fight sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila).

 

 

Puntirya itong idaos sa bagong gawang Allegiant Stadium sa Las Vegas, Nevada na may 65,000 seating capacity.

 

 

Para kay Pacquiao, si Spence ang perpektong kalaban. Hindi basta-basta lumalaban si Pacquiao sa mga pipitsuging boxers.

 

 

Maliban sa dalawang korona na hawak ni Spence, kasalukuyang malinis ang rekord nito tangan ang 27-0 win-loss card tampok ang 21 knockouts.

 

 

Kaya naman asahan ang matinding bakbakan sa oras na magkrus ang landas ng dalawang matitikas na boxers sa isang blockbuster match na ngayon pa lang ay itinutu­ring na agad na magiging Fight of the Year.

Other News
  • VP Sara, nagbigay-galang kay dating PM Shinzo Abe

    BINISITA ni Vice President Sara Duterte ang official residence ni  Ambassador of Japan to the Philippines Kazuhiko Koshikawa para ipaabot ang pakikiramay sa pagkamatay ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.     “Ang pagmamahal at pagpapahalaga ng dating Prime Minister sa Pilipinas ay hinding-hindi natin makakalimutan,” ayon kay VP Sara sa isang Facebook post. […]

  • Ads June 23, 2021

  • Kiefer gigiya sa Gilas sa tune-up

    PAMUMUNUAN  ni Kiefer Ra­vena ang Gilas Pilipinas na sasabak laban sa South Korea sa exhibition games na idaraos sa Hunyo 17 at 18 sa Anyang Gymnasium sa Gyeonggi-do, South Ko­rea.     Kasama si Ravena sa 12-man lineup na inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa friendly matches na mag­sisilbing preparasyon para sa […]