700 EMPLEYADO NG BI NABIGYAN NA NG 2ND DOSE NA BAKUNA
- Published on May 27, 2021
- by @peoplesbalita
MAHIGIT 700 na rank and file employees ng Bureau of Immigration (BI) ang nakatanggap na ng second dose ng Sinovac COVID-19 vaccine nitong nakaraang Linggo.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na ang 700 na BI works ay nabakunahan nitong Sabado at Linggo sa tanggapan ng BI sa Intramuros, Manila.
“Now they have gotten their second dose, our frontliners are now more confident of rendering efficient service to the public with less anxiety of getting infected by the virus,” ayon kay Morente.
Dagdag pa ni Morente na sa kabila nang nakumpleto na nila ang kanilang bakuna, pinaalalahanan pa rin sila na sumunod sa minimum health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield habang naka-duty.
“Employees of the BI, being a frontline agency, are one of the most vulnerable to the virus,” ayon kay Morente. “Our personnel assigned at the airports and seaports, as well as those manning our different offices nationwide, are highly exposed as the nature of their jobs demands that they come face to face with hundreds of people, be they international travelers or visa applicants, who avail of our services,” dagdag pa ng BI Chief.
Nabatid na ang mga nakakumpleto ng bakuna ay kabilang sa may 1,300 na empleyado ng BI mga unang nabigyan ng first dose ng Sinovac noong April 24-25 at May 1-2.
Nabatid naman kay BI Covid-19 Task Force Chair and Deputy Commissioner Aldwin Alegre, na ang mga natitirang mga babakunahan ay nakatakdang tumanggap ng kanilang second mode nitong darating na Linggo habang ang 700 hanggang 800 na empleyado na naka-assigned sa airport at BI offices sa Metro Manila ay nakatakda pang bakunahan. (GENE ADSUARA)
-
FDA: EUA ng mga bakuna, maaari pang mabago kung may safety issue
Binigyang-diin ng Food and Drug Administration (FDA) na maaari pang mabago ang mga kondisyon sa emergency use authorization (EUA) sakaling magpakita ng isyu sa kaligtasan ang isang vaccine product. Pahayag ito ni FDA director-general Eric Domingo matapos mamatay ang 23 senior citizens sa Norway matapos maturukan ng bakunang gawa ng Pfizer-BioNTech. Ayon […]
-
Award-Winning ‘Blue Room’ premiered at 14th SOHO Filmfest, officially selected at 19th LA Femme Filmfest
SOHO International Film Festival in New York, founded by Justin Girard with Festival Director Sibyl Santiago was held this past week Sept. 14 – 21. The Philippine entry, ‘Blue Room’ by Ma-an Asuncion-Dagñalan, had its North American / US Premiere last Sept. 20 as its Closing Film, attended by one of its lead […]
-
Dahil sa mahinang internet connection: DIEGO, ‘di nasagot ang isyu tungkol sa pagiging bagong ama
WALANG nagtagumpay na mapasagot si Diego Loyzaga tungkol sa diumano’y pagkakaroon niya ng anak. Kontrobersyal ang Instagram post ni Diego Loyzaga noong June 8 dahil nag-post siya ng larawan niya na may kalong na baby at ang caption niya sa kanyang IG post ay, “The best birthday gift ever.” Birthday ni Diego, who turned twenty-eight, […]