• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QC binuksan ang mga bagong bike lanes

May mga bago at pinagandang bike lanes ang binuksan noong Linggo ang lungsod ng Quezon City sa mga pangunahing lansangan dito bilang bahagi sa pagsusulong ng active, sustainable at environment-friendly na transportasyon na laan sa mga residente at mangagawa.

 

 

 

Inilungsad din ang proyektong ito upang maisulong ang pagbibisekleta at ng masiguro ang kaligtasan ng mga bikers at iba pang aktibong taong gumagamit ng bike lanes sa Quezon City.

 

 

 

Naaayon din ang proyektong ito sa commitment na maging isang bike-friendly city kung saan ang mga bikers ay makararating sa kanilang destinasyon ng mabilis at ligtas.

 

 

 

Lumahok sa inagurasyon sila Quezon City Mayor Joy Belmonte, VM Gian Sotto at Metro Manila Development Authority Chairman Benjamin Abalos. Kasama rin sila Department of Transportation (DOTr) assistant secretary Mark Steven Pastor at QC District 2 councilor Mikey Belmonte na siyang naghain ng city’s Safe Cycling and Active Transport Ordinance.

 

 

 

“We are working double time on this project so that the increasing number of bikers in our city will be able to travel safely without other vehicles running over their lanes. This was a priority for us even before COVID 19 pandemic as part of our global commitment to reducing air pollution by 2030. But due to pressing need for transport during the pandemic, and the bike culture that emerged as a result of this, we are fast- tracking its implementation,” wika ni Belmonte.

 

 

 

Noong nakaraang taon ay inulat ng lungsod ng Quezon City na kanilang palalawakin pa ang 55 kilometers na bike lanes hanggang 161 kilometers. Ang unang bahagi ng proyekto ay ang improvement ng mga dati ng bike lanes at ang paghahanap pa ng mga bagong ruta upang mapaganda ang connectivity at madagdagan ang 93 kilometers na network ng bike lanes.

 

 

 

Ang ikalawang bahagi naman ay ang karagdagan 81.7 kilometers upang mabigyan ang mga bikers at iba pang aktibong gumamit ng bike lanes ng access sa mas maraming  lugar pa sa Quezon City.

 

 

 

Kakulangan sa mga separators, poor bike lane visibility para sa mga drivers, rampant vehicle parking at kakulangan ng mga signages ang mga naging pangunahing problema na kinaharap ng mga bikers ang siyang nakita ng lungsod.

 

 

 

Kaya noong December, nilagdaan ni Belmonte ang Safe Cycling and Active Transport Ordinance na siyang pinaiiral ng lungsod ng Quezon City bilang suporta sa mga alternatibong transportasyon.

 

 

 

“It recognized the importance of supporting active transport solutions to reduce carbon emission, address scarcity and ensure equality in allocating urban road space; promote a shift to safe, cost-effective, non-congestive and non-polluting active transport and increase mobility for the general public,” dagdag ni Belmonte.

 

 

 

Inilungsad din ang voluntary bike registration program na mandated sa Safe Cycling and Active Transport Ordinance. Sa pamamagitan nito, matutulungan ang isang biker sa pagkakataong nawala at ninakaw ang bike. Matutulungan din ang biker sa pagkakataon ng isang aksidente.

 

 

 

“The importance of this bike registration program is to help our bikers in case their bicycles cannot be located or are stolen. We can aid them and they can avail of the assistance of the police in investigating missing bikes because the owners can readily present a certificate of ownership issued by DPOS,” wika ni DPOS head Elmo San Diego.

 

 

 

Kailangan lamang magbigay ng isang government ID, 2×2 photo, proof of purchase ng bicycle, electric bike o scooter; isang picture na kasama ang bike, e-bike or e-scooter; at rehistro fee na P150. Isang sticker naman ang ibibigay bilang identification. (LASACMAR)

Other News
  • PBBM, hindi muna babyahe sa ibang bansa habang binabalangkas pa ang gabinete

    NILINAW ng Malacañang na wala pang na-commit na biyahe si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa mga state visit invitations.     Kasunod ito ng paanyaya ni United States President Joe Biden para dumalao sa Amerika.     Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na abala pa ang Pangulo sa pagbuo sa kaniyang gabinete […]

  • Sen. BONG, KIM at ANGEL, kasama sa unang makatatangap ng Isah V. Red Award sa ‘4th EDDYS’

    TULOY na tuloy na sa Marso 22 ang pagbibigay ng parangal ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa mga de-kalidad at natatanging pelikula ng 2020.     Virtual gaganapin ang 4th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) kung saan maglalaban-laban ang mga de-kalibreng pelikulang Filipino na ipinalabas sa iba’t ibang platforms sa kabila ng Covid-19 pandemic. […]

  • Nakapaninibago at aminadong may konting takot: PAULO, malungkot na masaya sa premiere ng movie nila ni JANINE

    PAREHONG batikang director ang may hawak ng Pinoy adaptation ng hit Korean drama na Start Up na sina Direk Dominic Zapata at Direk Jerry Sineneng.     Dito pa lang, alam mo na espesyal ang Start-Up para bigyan ng dalawang mabibigat na director.     Ayon kay Direk Jerry, “perfect casting” daw ito. Mula kina […]