• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAHIGIT 100 TOLONGGES NA MTPB TRAFFIC ENFORCER SA MAYNILA, NASIBAK

BILANG bahagi ng ipinatupad na “one strike policy” sinampolan ang isang traffic enforcer na nag-viral sa social media matapos itong sibakin dahil sa pauli-ulit na kasong mi-apprehension.

 

 

Ayon kay MTPB Director Dennis Viaje, Efren Fria ay sinibak  makaraang dumulog sa tanggapan ng MTPB ang motorista na kanyang tiniketan na kinilalang si Miguel Vistan.

 

 

Sinabi ni MTPB Chief of Operation Wilson Chan Sr., na  binawi na ang uniporme at ID ni Fria at tuluyan na itong sinibak sa kanyang tungkulin makaraang ireklamo ito ng “mis-apprehension”.

 

 

“Ilang beses na po narereklamo itong si Fria, eto nga lang po Marso inireklamo rin siya dahil sa mis-apprehension,” paliwanag ni Chan.

 

 

Matatandaan na kamakailan lang ay nag-viral sa social media ang paghuli at paniniket ni Fria sa motoristang si Vistan kahit wala itong violation.

 

 

Binabagtas ni Vistan ang Quintos St., Sampaloc sa Maynila nang lagpasan nito ang nakakulay green na traffic light ngunit laking gulat nito nang bigla siyang harangan ng nasabing traffic enforcer at iginiit na may nilabag ito na violation na “passing thru red light”.

 

 

Dahil sa naidokumento ni Vistan ang pangyayari gamit ang kanyang dash cam, ipinakita niya ito sa tanggapan ng MTPB kung saan agad namang inaksyunan ito ni Director Viaje at Chan na nagresulta sa pagkakasibak ni Fria.

 

 

Nasa  mahigit 100 “tolongges” na traffic enforcer na ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang sinibak sa ilalim ng pamumuno ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso bilang bahagi na din ng paglilinis sa hanay ng nasabing ahensiya ng lokal na pamahalaang lungsod. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Ads September 15, 2022

  • MARAMING pamilya ang inaasahang magugutom dahil sa taas-presyo sa mga bilihin – PH Nutrition Council

    Nagbabala ang National Nutrition Council (NNC) na maraming pamilya ang magugutim dahil sa sunod-sunod na inflation o pagmahal ng presyo ng mga pagkain.     Sinabi ni NNC’s Nutrition Information and Education Division Chief Jovita Raval na maaari rin itong humantong sa “poor nutrition” sa mga pamilya, lalo na sa mga bata.     Aniya, […]

  • Kai Sotto sumama na sa ensayo ng Gilas Pilipinas

    Sumama na si Kai Sotto sa training bubble ng Gilas Pilipinas para sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark.     Nagtapos na kasi ang quarantine period ng 7 foot 4 para makasama sa training ng Gilas kung saan magiging host ang Pilipinas.     Umaasa naman si Samahang Basketball ng […]