• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Sa amin na ang momentum sa Game 3’ – Lakers

Lalo raw lumakas ngayon ang loob ng Los Angeles Lakers sa kanilang kampanya sa first round ng NBA playoffs matapos na maitabla na ang serye laban sa Phoenix Suns sa iskor na 109-102.

 

 

Ayon kay NBA superstar LeBron James, tiyak na mababaliktad na umano ang momentum lalo na sa susunod na Game 3 dahil gagawin ito sa harap ng kanilang mga fans sa Biyernes.

 

 

Sinabi ni James malaking bagay umano na maglaro sa harap ng mga loyal fans na nagpapalakas sa kanilang loob.

 

 

“To be able to play a playoff game in front of the Lakers faithful,” ani James.

 

 

Una rito, nanguna sa panalo kanina ang Lakers big man na si Anthony Davis nang kumamada ng 23 puntos at 10 rebounds sa kanyang tinaguriang “must win situation.”

 

 

Aminado naman si Davis, na dapat hindi sila mapagod na ‘wag magkampante kung sila ang abanse sa score at ‘wag ding bibitaw sa kanilang ratsada sa laro.

 

 

“We’ve got to do a better job of holding leads but we showed we’ll keep fighting,” pahayag pa ni Davis.

Other News
  • Gayahin ang Senado, magpasa ng P100 wage hike bill

    HINAMON ng isang grupo ng mga manggagawa ang Kamarang maghain ng counterpart bill sa panukalang P100 minimum wage hike ng Senado, bagay na lusot na sa ikalawang pagdinig.     Miyerkules lang nang pumasa sa second reading ang Senate Bill 2534, na layong iangat ang arawang minimum na pasahod para sa mga manggagawa’t empleyado sa […]

  • Steph Curry at Warriors tinambakan ang Nuggets

    Pinayagan na rin ang mga fans na makapanood sa unang pagkakataon sa NBA game sa San Francisco, kasabay din upang saksihan nila kung paano tinambakan ng kanilang team na Golden State Warriors ang bumibisitang Denver Nuggets.     Bago nagsimula ang game, nagbigay ng welcome address si Stephen Curry at hindi naman siya binigo upang […]

  • WBA crown ni Pacquiao ibabalik!

    Magiging world champion na naman si eight-division world champion Manny Pacquiao.     Ito ay dahil sa posibilidad na maibalik sa kanya ang World Boxing Association (WBA) welterweight title.     Inihayag ni WBA president Gilberto Mendoza na malaki ang tsansa na mu­ling ibigay sa Pinoy champion ang world title matapos itong tanggalin sa kanya […]