• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Administrasyong Duterte, hindi magdi-discriminate sa pamamahagi ng bakuna laban sa Covid-19 batay sa political leaning

TINIYAK ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi idi-discriminate ng administrasyon ang COVID-19 vaccine distribution base sa political leaning o nakahilig sa politika.

 

Pinawi ni Sec. Roque ang pangamba ng publiko na iprayoridad ng administrasyong Duterte ang kanyang mga kaalyado pagdating sa vaccine distribution.

 

Wala aniyang katuturan na mag- discriminate base sa political lines.

 

“Scientifically, you can’t discriminate because you’re defeating the purpose of a mass vaccination. No one is safe until we are all safe. It does not make sense if you give priority to areas just because they are political supporters and ignore other areas because the nature of the virus is it does not discriminate against or for political allies or opponents,” ayon kay Sec. Roque.

 

Samantala, nagsimulang magbakuna ang Pilipinas sa mga mamamayan nito laban sa COVID-19 simula Marso.

 

Tinatayang umabot na sa 8 million doses ng bakuna ang dumating sa bansa habang 4,495,375 ang naiturok na.

 

Target ng bansa ang “population protection” laban sa virus bago matapos ang taon, ayon sa Department of Health.

 

Nangangahulugan ito na pagbabakuna sa 50% hanggang 60% ng 108 milyong populasyon ng bansa at may “special focus” sa Metro Manila at kapalit-lalawigan kung saan nananatiling mataas ang bilang ng infections. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Fully-vaccinated’ na seniors, bawal pa ring lumabas

    Hindi pa rin dapat payagan na lumabas ng bahay ang mga senior citizen kahit na ‘fully-vaccinated’ na sila dahil sa may banta pa rin na mahahawa sila ng COVID-19 bunsod ng mababa pang bilang ng nababakunahan.     “Unang-una, ang baba pa ng vaccination rate natin… Therefore, in this point in time, kahit na sino […]

  • Ads February 14, 2022

  • Christmas party posible na sa mga bakunado

    Naniniwala ang OCTA Research Group na maaari nang magdaos ng mga Christmas parties ngayong darating na Disyembre ngunit para lamang sa mga ganap nang bakunadong mamamayan.     “In places na vaccinated ‘yung attendees, kunwari sa office Christmas party na everyone’s vaccinated na, we can probably have a big Christmas party because the risk right […]