PAGBABAKUNA SA ILANG CHINESE NATIOANL SA PASAY, IIMBESTIGAHAN
- Published on May 29, 2021
- by @peoplesbalita
MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Department of Health (DOH) sa ulat na ilang Chinese nationals ang nabakunahan ng COVID-19 vaccines sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi aniya malinaw kung ano ang naging batayan kaya naman kanila nang pinaiimbestigahan ang nasabing ulat.
Sinabi kasi ng pamahalaang lokal ng Pasay na ang nasabing mga Chinese nationals ay nabakunahan dahil maaaring sila ay senior citizens o may kapansanan o comorbidities na kasapi sa priority group ng vaccination program ng gobyerno.
Sinabi ng kalihim na sila ay mag-iimbestiga at kanila ring kakausapin ang Pasay LGU kung ito man ay may katotohanan.
Sa naging pahayag umano ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang naturangga dayuhan ay dumaan sa regular na proseso ng pqgbabakuna at hindi sila nabigyan ng special treatment sa vaccination sites.
Dagdag pa ng alkalde, nagsumute rin ng Barangay Certificates at Medical Certificates na nagsasabing sila ay residente ng lungsod ng Pasay at kabilang sila sa A2 o A3 priority groups
Sa ngayon ay wala pang hawak na numero ang DOH kung ilang mga banyaga ang nabakunahan sa bansa sa kabila na ang suplay ng bakuna para sa populasyon ng bansa ay nanatiling kulang o hindi sapat.
Ayon kay Duque, batid lamang aniya nila na nabakunahan ay mga miyembro ng diplomatic corps.
“Dinadala nila ‘yung bakuna nila at ‘yun ‘yung binibigay sa sariling empleyado,” anang kalihim. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Inflation rate umariba sa 6.4% nitong Hulyo
NANANATILING mabilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin nitong nakaraang buwan, ito kasabay ng pagtaas ng self-rated poverty ng mga Pilipino sa survey ng Social Weather Stations (SWS). “The Philippine’s annual headline inflation continued its uptrend as it moved up further to 6.4 percent in July 2022, from 6.1 percent in June […]
-
Fighting Maroons, haharabas sa abroad
SA hangaring mas mapalakas at mapataas ang antas ng pagiging kompetitibo, nakatakdang magsanay sa abroad ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons – may anim na buwan ang nalalabi – bago ang opening ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 83 sa Setyembre. Sa pakikipagtulungan ng UPMBT supporter JJ Atencio ng […]
-
PBBM, lumipad na patungong Washington para palakasin ang ugnayan hinggil sa food security, economy at energy
LUMIPAD na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng LInggo, para isakaturapan ang kanyang misyon na magpanday ng mas malakas na ugnayan sa Estados Unidos pagdating sa larangan ng food security, digital economy, energy security, at climate change. Sa kanyang departure speech sa Villamor Airbase, sinabi ng Pangulo na ang kanyang pagbisita sa […]