• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RABIYA, nag-deny na break na sila ng longtime boyfriend na si NEIL, inaming crush niya si KOBE

NAGSIMULA na ang lock-in taping nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith ng kanilang first full-length teleserye sa GMA Network last May 18, ang The World Between Us.  

 

 

May mga behind-the-scene photos nina Alden at Jasmine na lumalabas posted ng photographer ng show at may mga tanong ang mga netizens, ano raw ba ang story ng serye at ano ang roles na ginagampanan nilang dalawa.

 

 

Sa photo kasi, parang mga dating usong style ng mga damit ang suot nila, at kahit ang hair style ni Alden ay hindi iyong usual niyang hairstyle ngayon at si Jasmine daw ay ibang style naman ang hairdress niyang gamit?

 

 

Kahit ang co-star nilang si Tom Rodriguez ay iba rin ang hairstyle at may earrings pa siyang suot.  Kasama pa rin sa cast sina Ms. Jaclyn Jose, Dina Bonnevie at may special participation naman si Glydel Mercado.

 

 

May iba pa silang kasama sa cast, pero hindi pa pinapangalanan kung sinu-sino sila.  Sa pagtatanong, dalawa nga ba ang characters na gagampanan nina Alden at Jasmine, may younger Alden at younger Jasmine daw?

 

 

Wait na lamang natin kung ano talaga ang story ng The World Between Us na dinidirek ni Dominic Zapata.  It will be a GMA Primetime series na ipalalabas agad after ng lock-in taping nila.

 

 

    ***

 

 

 NAG-DENY si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na break na sila ng long-time boyfriend niya na si Neil Salvacion.

 

 

Sabi pa niya sa isang interview, ‘I’m not available’ pero inamin niyang may celebrity crush siya, si Kobe Paras.

 

 

“I know nothing about basketball but I watch UAAP games to see him.  Even though I don’t understand what’s happening, I look at number six.”

 

 

Si Kobe ay anak ni basketball player-actor Benjie Paras at nakababatang kapatid ng actor na si Andre Paras, na iniwan na rin muna ang acting at itutuloy na niya ang paglalaro ng basketball.

 

 

Dating member ng University of the Philippines si Kobe.  Last month ay sumali na siya sa East West Private, the same company that is handling Kai Sotto in the US.

 

 

    Sa July pa ang balik sa bansa ni Rabiya at gusto raw naman niyang pasukin ang showbusiness.

 

 

Dalawang beses nang nag-guest si Rabiya sa All-Out Sundays while preparing for the Miss Universe beauty pagent, pero inamin niyang hindi siya marunong sumayaw.

 

 

Ngayon kaya ay mag-aaral na siyang sumayaw, na usually ang isang artista ay kailangang marunong sumayaw at kumanta, bukod pa sa mahusay na pag-arte?

 

 

***

 

 

FINALE week na simula ngayong Monday, May 31, ng romantic-comedy series na Owe My Love na ginagampanan ng mga Kapuso artists na sina Lovi Poe at Benjamin Alves.  

 

 

Ilan pa sa mga kasama nila sina Ai Ai delas Alas, Jackielou Blanco, Winwyn Marquez, Leo Martinez, Jason Francisco, at Buboy Villar.

 

 

Nasa USA pa hanggang ngayon si Lovi, at marami ang naghihintay kung totoo bang lilipat na siya ng network, pagkatapos ng series niya sa GMA Public Affairs?

 

 

Meanwhile, papalitan ang Owe My Love ng Philippine adaptation ng Korean drama na Autumn In My Heart na Endless Love na tinampukan nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes and Marian Rivera.

 

 

Mapapanood ito simula sa June 7, pagkatapos ng Heartful Cafe sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Konstruksyon ng MRT -7 sa Kyusi pinahinto

    PINAHINTO ni QC Mayor Joy Belmonte ang construction ng MRT-7 sa bahagi ng Quezon City Memorial Circle (QCMC), dahil sa banta na posibleng humina ang pundasyon ng naturang park.   Bukod dito ay may banta umano na posibleng masira ang isang sikat na heritage park told ng QCMC na maituturing na mukha ng Kyusi.   […]

  • Balik-pelikula after na hirangin na National Artist: NORA, excited nang maka-eksena ang kapwa ‘Hall of Famer’ na si ALLEN

    ANG ‘The Baseball Player’ na dinirek ni Carlo Obispo ang isa sa big winners sa awards night ng 18th Cinemalaya na ginanap last Sunday, August 14.   Nagwagi ito ng award for Best Film for Carlo Obispo. Winner din si Carlo ng award for Best Screenplay.   Winner din ang “The Baseball Player” for Best […]

  • WILL FERRELL LENDS VOICE TO AN ABANDONED DOG IN RAUNCHY HEARTWARMING COMEDY “STRAYS”

    FROM the worldwide box-office hit Barbie, Will Ferrell stars in the latest feral comedy movie Strays, a subversion of the dog movies we know and love. Ferrell lends his voice to a naïve, relentlessly optimistic Border Terrier named Reggie who was abandoned on the mean city streets by his lowlife owner, Doug (Will Forte; The […]