TRAVEL BAN SA VIETNAM, POSIBLE
- Published on June 2, 2021
- by @peoplesbalita
PINAG-AARALAN kung magpapatupad ng travel ban sa Vietnam upang maiwasan ang magpasok ng sinasabing hybrid variant .
Pero ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, hindi pa puwedeng pangunahan dahil kailangan pang iberipika at wala pang sapat na ebidensya na ang nasabing variant na kombinasyon ng India at UK variant .
Ayon pa kay Vergeire, pinag-aaralan na ng mabuti ng World Health Organization (WHO) ang ulat matapos magpalabas ang gobyerno ng Vietnam hinggil sa mix variant na base sa kanilang pag-aaral at mabilis na makahawa sa pamamagitan ng hangin upang makapagbigay ng guidelines.
Aniya, nagpalabas na rin ng announcement ang WHO na hindi pa nakukuha lahat ang mga detalye at nakikipag-ugnayan pa ito sa Vietnam.
Ang WHO rin aniya ang nagka-classify ng variant of concern .
“If ever this would be proven na totoo nga po at mayroon talaga soyang concrete na ebidensya na this would happen , WHO would guide all countries kung ano ang gagawin”, ani Vergeire.
Gayunman, mayroon naman aniyang ipinatutupad na safeguards sa ating bansa .
Nanatili aniya ang mga protocol para sa mga travellers na papasok sa bansa .
“If that would be something na sasabihin ng WHO at sinabi nila na ang classification is of concern, nandiyan po yung posibilidad na maaring gawin yan para lamang ma-prevent ang pagpasok ng ganitong variant sa ating bansa”, pahayag pa ni Vergeire kaugnay s pagpapatupad ng travel ban sa Vietnam,.
Sapat naman ayon kay Vergeire ang ipinapatupad na protocol ngunit kung napatotoo ang nasabing bagong variant mula Vietnam ay kailangan lamang na iintensify o mas higpitan ang mga protocols na ito. (GENE ADSUARA)
-
3 timbog sa P183K shabu sa Malabon
BAGSAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation ng pulisya sa Malabon city, kamakalaw ang gabi. Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Jonathan Soriano, alias “Atan”, […]
-
Hijab, taqiyah pinapayagan sa PhilSys Step 2 process
MAAARI nang tumuloy ang mga Muslim Filipinos sa Step 2 biometrics capturing process ng Philippine Identification System (PhilSys) kahit hindi alisin ang kanilang traditional head coverings. Ang Hijab ay isang belo o takip ng ulo na isinusuot ng maraming babaeng Muslim sa buong mundo bilang isang gawa ng kahinhinan, at isang relihiyosong kasanayan […]
-
Sinulat ang ‘Binabalewala’ para sa mga hopeless romantic: ANTON, ‘di malilimutang nabalewala dahil sa kanyang height
INI-RELEASE na ng singer-songwriter na si Anton Paras ang kanyang bagong komposisyon na may titulong ‘Binabalewala’ na mula sa AltG Records. Binubuo at isinulat niya ang kanta noong kalagitnaan ng 2021. Tungkol ito sa mga taong gumagawa ng maraming pagsisikap na ipakita ang kanilang mga damdamin patungo sa kanilang bagay ng pagmamahal ngunit […]