• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GINANG BINARIL NG ISANG PULID SA KYUSI PATAY

PATAY ang isang ginang matapos na barilin ng isang galit-na galit na pulis sa may Commonwealth QC gabi ng Lunes Mayo 31. Kinilala ang biktima na si Lilybeth Valdez habang ang suspek na pulis ay kinilalang sia P.Master Sgt. Hensy Sinampan nakatalaga sa Kampo Crame sa PSPG. Sa panayan ng anak ni Valdez sa isang himpilan ng radyo sa DzBB ay sinabi nito na ang simula ng galit ng pulis ay dahil sa noong May 1 ay nagkaroon ng alitan ang kanyang kapatid na lalaki na humatong umano sa suntukan.

 

 

Sa di malaman na dahilan ay pinagbalingan ng pulis ang nanay nila nang makita ito na bumibili sa isang sari-sari store. Ayon sa anak ng biktima ay nakunan pa ng video ito at sa naturang video umano ay nakita na nilapitan ni Sinampan si Valdez at sinabunutan hanggang sa paputukan ito ng pulis sa may leeg nito.

 

 

 

Ayon namna kay QCPD Staion-5 commander P.Lt./Col Melchor Rosales ay naaresto na nila ang naturang pulis ay nakapiit ngayon sa Kampo Karingal. Samanta ayon kay Chief PNP Guilllermo Eleazar ay ito ang dahilan sa paghihigpit niya sa recruitment at mga pulis upang  maiwasan ang mga ganitong pangyayari . Galit at dismayado rin si Eleazar sa pamamaril ng naturang pulis  (RONALDO QUINIO)

Other News
  • MGA DIPLOMATS, ASAWA AT ANAK NA PINOYS, PINAPAYAGAN NG MAKAPASOK

    PINAPAYAGAN na ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Diplomats, kanilang asawa at anak na Pinoys batay sa natanggap nilang  resolusyon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).   Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na sa natanggap nilang resolusyon No. 95  mula sa IATF na pinapayagan nila ang […]

  • TRICYCLE DRIVER TIMBOG SA PANUNUHOL SA PARAK

    KALABOSO ang isang 47-anyos na tricycle driver matapos at tangkain suhulan ng pera ang mga pulis na nag-isyu sa kanya ng ordinance volation receipt (OVR) dahil sa paglabag sa traffic restriction code sa Malabon City, kahapon ng umaga.     Nahaharap sa kasong paglabag sa Art 212 of RPC o ang Corruption of Public Official […]

  • Naitatalang daily COVID 19 cases sa NCR, malaki ang posibilidad na umabot na sa 400 hanggang 500 sa katapusan ng buwan – OCTA Research

    TINATAYANG papalo na sa 400 hanggang  500 cases kada araw ang nakikitang projection ng Octa Research na maitatalang kaso ng COVID 19 pagdating ng June 30.     Sa Laging Handa public  briefing, sinabi Dr Guido David na sadyang papabilis ang kasong naire- record araw- araw.     Aniya, naobserbahan nila na sa mga nakaraang […]