DOE: Reserba ng kuryente sa Luzon grid hindi lang manipis, ‘negative’ na
- Published on June 3, 2021
- by @peoplesbalita
Inamin ng Department of Energy (DOE) na sumadsad na sa “negative” ang estado ng supply ng kuryente sa Luzon grid.
“Nakakalungkot ibalita na hindi na lang siya manipis, kundi negative na,” ani Energy Usec. Felix William Fuentebella.
Ayon sa opisyal, umaabot sa negatibo ang estado ng power supply kapag mas marami nang gumagamit ng kuryente, at kaunti na lang ang nagbibigay ng generator bilang dagdag na pwersa.
Sa ikatlong sunod na araw, nagpatupad ng yellow at red alert ang National Grid Corporation of the Philippines sa ilang bahagi ng Luzon.
Kaya inaasahan ang rotational brownout sa mga lugar na sini-serbisyuhan ng distribution utilities na nakakabit sa NGCP.
Ayon sa Energy department, malaki pa rin ang epekto ng mga nasira at biglang tumirik na power plant sa estado ng Luzon grid.
“(Sa ngayon) negative na tayo ng lampas 200-megawatts.”
Gayunpaman, kailangan daw magpatupad ng “manual load dropping” o rotational brownout para mapanatili ang integridad ng power system.
Inakyat na ng DOE sa ilang regulating agencies, tulad ng Energy Regulatory Commission ang sitwasyon.
“Binabantayan natin ang system operator (NGCP) dahil hinahanap parati ni Sec. (Alfonso) Cusi kung nasaan ang reserba.” (Daris Jose)
-
Sa ikalawang pagkakataon: ERIC, muling magdidirek para sa ika-7 edisyon ng ‘The EDDYS’
SA ikalawang pagkakataon, ang premyadong aktor at direktor na si Eric Quizon ang magdidirek ng 7th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd). Si Eric din ang nagsilbing direktor sa ikaanim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice na ginanap noong nakaraang taon sa Aliw Theater sa Pasay City. Sa darating […]
-
‘Kailangan kayo ng bansa’
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga magagaling na scientists, engineers at technical experts na bumalik sa bansa upang maibalik ang galing ng Pilipinas. Sa talumpati ng Pangulo sa harap ng Filipino community sa New Jersey Performing Arts Center sa New Jersey, USA hinikayat niya ang mga matatalinong Filipino scientists na bumalik […]
-
“Bagong Bahay, Bagong Buhay!” Valenzuela LGU nag turnover ng housing units sa Laon beneficiaries
NAGSAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pakikipagtulungan ng Social Housing and Finance Corporation (SFHC) ng blessing at turnover ceremonies ng mga housing unit sa ilalim ng Laon CMP Vertical Housing Project – Phase I para sa mga benepisyaryo ng Laon sa Barangay Veinte Reales. Pinangunahan nina Mayor Wes Gatchalian, Department of Social […]