• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SINOVAC, isinama na ng WHO sa Emergency Use Listing

MASAYANG ibinalita ng Malakanyang ang naging hakbang ng World Health Organization (WHO) na isama sa emergency use listing ang Sinovac.

 

Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, makatutulong aniya ang hakbang na ito ng WHO para mapalakas ang kumpiyansa sa bakuna.

 

“Nagagalak po ako sa balitang ‘yan dahil ‘yan po ay siguradong makakaboost ng kumpyansa sa bakuna dahil nadagdagan po yung mga institusyon na nagsabi na ligtas at epektibo ag Sinovac na pinakamaraming ginagamit natin sa Pilipinas,” ayon kay Sec. Roque.

 

Ngayon aniya ay hindi lamang ang Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas ang nagsabi na ligats at epektibo ang Sinovac kundi pati na rin ang WHO dahil iyon ang ibig sabihin kapag nakasama sa emergency use list ng WHO ang isang bakuna.

 

Bukod dito, makatutulong din na mapalakas ang kumpiyansa sa mga mamamayan na hanggang ngayon ay nag-aalinlangan na magpabakuna laban sa Covid-19.

 

“Ay talaga namang makakatulong ito para maitaas ang kumpiyansa sa bakuna dahil ito po’y karagdagan assurance ng isang UN-agency na ligtas at epektibo ang Sinovac,” lahad ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, kinumpirma ng WHO na isinama na nito ang Sinovac-CoronaVac COVID-19 vaccine para sa Emergency Use.

 

Magbibigay ito ng katiyakan sa mga bansa, funders, procuring agencies at mga komunidad na ang “it (Sinovac) meets international standards for safety, efficacy and manufacturing. The vaccine is produced by the Beijing-based pharmaceutical company Sinovac.”

 

“The world desperately needs multiple COVID-19 vaccines to address the huge access inequity across the globe,” ayon kay Dr Mariângela Simão, WHO Assistant-Director General for Access to Health Products.

 

“We urge manufacturers to participate in the COVAX Facility, share their knowhow and data and contribute to bringing the pandemic under control,” dagdag na pahayag nito.

 

Ang WHO’s Emergency Use Listing (EUL) ay isang prerequisite o paunang kinakailangan para sa COVAX Facility vaccine supply at international procurement.

 

Pinapayagan din nito ang mga bansa na bilisan ang sarili nilang regulatory approval para umangkat at mag-administer ng COVID-19 vaccines. (Daris Jose)

Other News
  • Nagustuhan niya ang pagiging totoo ng aktres: MARIAN, inihalintulad ni CHRISTIAN kay KIRAY

    NAKAKAALIW ang interview ni Nelson Canlas kay Christian Antolin, ang content creator na aktor na ngayon na alaga ng kaibigan naming si Rams David ng Artist Circle Management.     Nasa cast ng ‘My Guardian Alien’ si Christian at sa ‘Updated with Nelson Canlas’ podcast ay nagkuwento si Christian, na gumaganap bilang si Sputnik sa […]

  • 13 babae patay matapos mahulog balon sa India

    PATAY ang 13 babae matapos aksidenteng mahulog sa isang balon sa pagdiriwang ng kasal sa Northern India.     Nakaupo ang mga biktima sa isang bakal na nakatakip sa balon nang bumigay ito.     Sinabi ng Mahistrado ng Distrito na si S. Rajalingam na luma na ang balon at hindi nakaya ang bigat ng […]

  • WELCOME THE NEW YEAR WITH WHIMSY AND FANTASY WITH “THE BOY AND THE HERON,” THE FIRST HAYAO MIYAZAKI FILM TO BE SHOWN IN PHILIPPINE CINEMAS

    “THE Boy and the Heron,” Academy Award winner Hayao Miyazaki’s latest masterpiece, will open in Philippine cinemas January 8.     The film, a deeply personal project for the acclaimed filmmaker, is the first Miyazaki film to be shown on the big screen in the Philippines.     Fans of Miyazaki have been eagerly awaiting […]