NAVOTAS, PSA SINIMULAN NA ANG PAGPAPATALA PARA SA NATIONAL ID
- Published on June 3, 2021
- by @peoplesbalita
SINIMULAN na nang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pakikipagtulungan sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagpapatala ng biometric ng Navoteños sa Philippine Identification System (PhilSys).
“The national ID will give them not just proof of their identity, but will make it easier for Navoteños to avail of all social services and government benefits applicable to them,” ani Mayor Toby Tiangco.
Ilang mga residente ng Brgys. Bagumbayan South, Bangkulasi, North Bay Boulevard North (NBBN), San Roque, Sipac-Almacen, Tanza 2, Tangos North at South ang nakakumpleto nan g unang step sa national ID registration.
Nauna rito, nagsagawa ang mga tauhan ng PSA ng house-to-house interviews sa naturang mga barangay para sa demographic data collection kung saan ang mga residente na nakumpleto ang Step 1 ay sumasailalim na sa biometric enrollment.
Hinihikayat naman ang mga Navoteño na hindi na-interview ng PSA na magparehistro sa PhilSys online portal, sa sandaling ito ay magagamit para sa mga residente ng lungsod.
Sa Step 2, ang supporting documents ng nagparehistro ay ipapakita ang kanyang demographics para mai-encode, ang kanyang biometric ay makukuha at maitatala, at siya ay bibigyan ng isang transaction slip.
Magkakasabay na isasagawa ang registrations sa apat na venues sa lungsod kabilang ang Navotas City Hall mula May 31 – June 3; Brgy. NBBN Covered Court, June 1–August 10; Navotas City Library, June 3–December 30; at Brgy. Tanza 2 Multi-Purpose Hall, June 5–October 30.
Kapag available na ang National ID, ipapadala ito sa address ng nagparehistro at ipakita ang kanyang transaksyon slip at anumang patunay ng pagkakakilanlan upang makuha ang ID. (Richard Mesa)
-
Kinaiinisang character ni AIKO, kinailangan na palitan ni SHERYL dahil ‘di na puwedeng mapanood sa serye
NAGULAT ang netizens na sumusubaybay sa top-rating GMA afternoon prime drama na Prima Donnas nang sa last scene noong Friday ay pinalitan na ni Sheryl Cruz ang character ni Aiko Melendez bilang si Kendra. Last series na ginawa rin ni Sheryl last year sa GMA ay ang Magkaagaw na isa rin siyang kontrabida, […]
-
40 days na pagdarasal para sa halalan inilunsad ng CBCP
INILUNSAD ngayong araw ng Caritas Philippines, ang social arm ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang “I Vote God” ang “40 days of Prayer and Discernment” para sa May 9, 2022 elections. Layon ng nasabing programa ay para gabayan ang mga botante ganon din ang mga mananampalataya sa tamang pagpili ng […]
-
PDU30, hinawakan ang West Philippine Sea dispute ng “maingat at walang pag-aalinlangan”
“CAREFULLY and decisively,” ang naging paghawak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa maritime dispute sa West Philippine Sea (WPS). “The China-Philippine relationship has been placed on a better platform and has now been… better than what we experienced the last six years,” ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar. “This is […]