• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, bahagya uling tumataas

Nagpaalala muli ang OCTA Research Group sa mamamayan ng Metro Manila nang ibayong pag-iingat makaraang ma-monitor ang unti-unting pagtaas muli ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

 

 

Sa datos mula sa grupo sakop ang petsang mula Mayo 26 hanggang Hunyo 1, tumaas man sa .68 mula sa .57 ang COVID-19 reproduction rate sa National Capital Region. Ang reproduction rate ay ang dami ng tao na maaaring mahawa ng isang pasyente na may COVID-19.

 

 

Tumaas ng 8% ang ‘se­ven-day growth rate’ sa ­Metro Manila na naitala sa 1,135 average kada araw.

 

 

Sinabi ng OCTA na maliit na pagbabago lamang ito ngunit ipinaalala nila na ito ang unang pagkakataon na nagkaroon muli ng pagtaas mula nang marating ang peak ng COVID-19 surge noong Abril.

 

 

Nasa moderate risk pa rin ang klasipikasyon ng Metro Manila dahil sa 8.22 average daily attack rate (ADAR). (Gene Adsuara

Other News
  • PBBM, nagtalaga ng ilang bagong opisyal sa CICC ng DICT

    PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang mga bakanteng posisyon sa pamahalaan.     Sa katunayan, nagtalaga ang Pangulo ng ilang bagong opisyal sa Cybercrimes Investigation and Coordinating Center na nasa ilalim ng Department of Information and Communication Technology (DICT).     Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kabilang sa mga itinalaga ng […]

  • Alapag hangad na mapasama sa coaching staff ng Kings sa NBA

    Umaasa si dating PBA point guard Jimmy Alapag na mapapasama siya sa coaching staff ni Sacramento Kings’ head coach Luke Walton para sa darating na NBA season.     Ito ay matapos pagharian ng Kings ang 2021 NBA Summer League sa Las Vegas, Nevada kung saan nakasama si Alapag bilang isa sa mga assistant ni […]

  • Ads November 18, 2022