• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

F2, Perlas sasalang din sa bubble training

Ikakasa ng F2 Logistics at Perlas Spikers ang kani-kanyang bubble training upang paghandaan ang Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.

 

 

Target ng Cargo Mo­vers na magsagawa ng training camp sa Valentino Resort and Spa sa San Jose, Batangas.

 

 

Isinumite na ng pamunuan ng F2 Logistics ang request nito sa Games and Amusements Board (GAB).

 

 

Agad namang tutulak ngayong araw si GAB pro volleyball division head Reginald Capadera para magsagawa ng ocular ins­pection sa venue.

 

 

Sa oras na makumpleto na ang lahat ng requirements partikular na ang health protocols, posibleng mabigyan na ng go signal ang Cargo Movers para simulan ang ensayo.

 

 

Sa kabilang banda, nais ng Perlas Spikers na magsagawa ng training camp sa Baguio City.

 

 

Tinukoy ng Perlas ang St. Vincent Gym sa Na­guillan Road bilang training venue ng tropa.

 

 

Nakapagsagawa na ng inspeksiyon ang GAB sa naturang venue gayundin sa magiging accomodation ng lahat ng players, coaches at staff.

 

 

Kaya naman nakaabang na ang Perlas Spi­kers sa magiging desisyon ng GAB para agad na masimulan ang ensayo.

 

 

Tiniyak ng Perlas Spi­kers na susunod ang lahat sa patakarang ipinatutupad sa Baguio City lalo na ang “no leisure walks” sa siyudad.

 

 

Gaya ng PBA teams, kailangan ng F2 Logistics at Perlas Spikers na sumailalim sa regular swab tes­ting bago magsimula ang training camp.

Other News
  • Ads August 3, 2021

  • Magiging part ni KC, wala pa ring details: SHARON, naninibago pero excited na masaya sa concert nila ni GABBY

    ISA si Megastar Sharon Cuneta sa mga excited na sa papalapit na “Dear Heart: The Concert” nila ni Gabby Concepcion sa SM Mall of Asia Arena sa October 27, 2023.  Na kung saan masasaksihan na ng kanilang masusugid na fans ang muli nilang pagtatanghal on stage. Say ni Sharon,  “Naninibago ako, the concert is a […]

  • Bicam ibinalik P10-B NTF-ELCAC budget, P150-M DepEd confidential funds

    ISINAOLI  ng mga mambabatas ang bilyun-bilyon at milyun-milyong kontrobersyal funds sa 2023 proposed budget para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at Department of Education, bagay na una nang tinapyasan.     Ito ang ibinahagi nina Sen. Sonny Angara at Rep. Zaldy Co (Ako Bicol party-list), Lunes, matapos aprubahan ng bicameral […]