• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Face shields nakakatulong vs COVID-19 transmission – PMA

Napipigilan ng pagsusuot ng face shields ang pagkalat o hawaan ng COVID-19.

 

 

Ito ang pagtiyak ng Philippine Medical Association (PMA) kahapon.

 

 

“Para sa amin ay magsuot pa rin ng face masks, face shield, maghugas ng kamay,  at sumunod pa rin ng physical distancing. Malaki ang maitutulong sa proteksyon laban sa COVID-19 ang pagsusuot ng face masks at face shield,” ayon kay PMA president Dr. Benito Atienza sa isang panayam sa Dobol B TV.

 

 

Ginawa ni Atienza ang komento matapos na hilingin ni Manila Mayor Isko Moreno sa pamahalaan na huwag nang i-require ag pagsusuot ng face shields sa mga pampublikong lugar kundi gamitin na lamang ito sa pagtungo sa mga pagamutan.

 

 

Binanggit pa ng alkalde na ang Pilipinas na lamang umano ang nagre-require sa paggamit ng face shields kumpara sa ibang bansa.

 

 

Unang nang sinopla ni DOH Secretary Francisco Duque III na hindi pa napapanahon para huwag gamitin ang face shields  dahil na rin sa mababa pa rin ang porsiyento nang nababakunahan sa bansa.

 

 

Tutol din dito ang DILG, maging si Infectious diseases expert Dr. Edsel Salvanan.

Other News
  • Mga lugar na naka-granular lockdown, tututukan ng IATF

    MAGPAPATUPAD ang pamahalaan nang mas mahigpit na pagmo-monitor sa iba’t ibang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ito’y sa harap na rin ng gagawin nang pagbabahay- bahay ng mga taga DOH at mga nasa barangay upang madetermina ang mga mayroon ng sintomas ng virus.   Importante […]

  • MMDA: 117 pedestrians, namatay noong 2019

    MAY 117 na pedestrians ang naitalang namatay noong 2019 ayon sa report ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung saan sila ay tinatawag na “most vulnerable road users.”   Ayon sa datos ng MMDA sa ilalim ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System, noong 2018 ay mayroong 141 na pedestrians ang nasawi at 167 […]

  • OBRERO SA MALACANANG, NAKURYENTE

    NASAWI ang isang 21 anyos na construction worker nang makuryente matapos hawakan ang steel scaffolding sa kanilang barracks  sa loob ng Malacanang Park Huwebes ng hapon.     Kinilala ang biktima na si Leonard Bulado Jr y Llanto,binata, tubong Masbate City at stay-in sa EP Clubhouse barracks sa loob ng  Malacanang.     Sa ulat […]