• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CATRIONA, may 12M followers na sa Instagram; makakasama si NICOLE na magho-host ng ‘Binibining Pilipinas’

PASOK pa rin sa Top 5 si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa most followed Pinay celebrities on Instagram na ngayon ay umabot na sa 12 million.

 

 

Nangunguna pa rin si Anne Curtis na may 16.8M, kasunod sina Liza Soberano – 15.8M, Kathryn Bernardo – 15M at Pia Wurtzbach – 12.3M.

 

 

Kaya naman ganun na lang ang pasasalamat ni Queen Cat sa lahat ng nagpa-follow sa kanyang IG account.

 

 

Sa IG post, “12 Million? That’s crazyyyy thanks for following along with this adventure called life. Grateful for all of you!

 

 

“Glow @fentyskin #HYDRAVIZOR @fentybeauty #EAZEDROP @jellyeugenio @paulnebreshair @justine.aliman19 captured by @altaniameen video @paulnebreshair.”

 

 

Samantala, for the first time sa beauty pageant history, parehong babae ang magiging hosts sa Binibining Pilipinas 2021 Coronation Night ngayong July 11 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Makakasama nga ni Catriona si Miss Grand International 2016 1st Runner-up Nicole Cordoves, na kung saan pinost niya ang kanilang photo sa IG at caption ito ng, “Pageantry Redefined. @binibiningnicolecordoves and I are your first all-female hosting tandem in herstory for #BinibiningPilipinas2021 @bbpilipinasofficial.

 

 

“Witness history this July 11, 2021, 9:45PM at the Smart Araneta Coliseum. Watch on A2Z or the @bbpilipinasofficial YouTube channel.

 

 

“Photography @bjpascual | beauty @jellyeugenio @paulnebreshair | styling (cat) @perrytabora (nicole) @bonitapenaranda.”

 

 

Sa naturang beauty pageant magmumula ang mananalong Miss International, Miss Grand International, Miss Intercontinental at Miss Globe na ipadadala ng Pilipinas para mag-compete sa sa iba’t-ibang bansa.

 

 

Nag-react nga ang celebrity friends ni Cat at isa nga rito si Megan Young at nag-comment ng, “Love!!!!”

 

 

Sabi naman ng netizens, kailan naman kaya magkakasamang mag-host sina Catriona at Megan, na marami pala ang nag-aabang, pati na rin ang photoshoot collab nila.

 

 

Comment nila, “who knows one di ba? They’re both MWP after all. Pero very very slim chance lang cause Cat loyalty is always with Madam Stella unless I take over ulit ni Madam Cory ang MWP Org at I-invite si Cat.”

 

 

“Who knows one day. They are two of the most well-loved beauty queens in the Philippines kaya… My top two faves!”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • 2 alamat sa ‘Apprentice’

    TATASAHAN nina dating Mixed Martial Arts champion Georges St-Pierre ng Canada at jiu-jitsu legend US-based Brazilian Renzo Gracie ang 16 na kandidato sa Episode 2 ng The Apprentice: ONE Championship Edition.     Bantog din sa tawag na ‘GSP’ ang 39 na taong-gulang at may taas na 5-10 na si St-Pierredahil sa pagiging  isa mga […]

  • Ads December 17, 2020

  • Mas maraming health workers, nais nang magpabakuna ng Sinovac

    Mas marami nang health workers ang nahikayat nang magpabakuna gamit ang China-made Sinovac COVID-19 vaccine partikular sa Philippine General Hospital.     Sinabi ni PGH Director Dr. Gerardo Legaspi na nasa 200 hospital staff na nila ang nagpalista ang inaasahang mababakunahan nitong Martes.     Si Legaspi ang kauna-unahang sumalang sa bakuna nitong Lunes na […]