COVID-19 sa Pinas walang pagbabago hangga’t ‘di 50% ang vaccination rate
- Published on June 10, 2021
- by @peoplesbalita
Wala pang makikitang malaking pagbabago sa estado ng Pilipinas hanggang hindi naaabot ang 30% hanggang 50% vaccination rate ng populasyon ng bansa.
Sinabi ni Prof. Ranjit Rye ng OCTA Research Group na masyado pang maliit ang mga numero ng nababakunahan sa bansa.
Nitong Hunyo 8, umabot pa lamang sa 4.6 milyon ang nabakunahan na katumbas ng 4% ng populasyon ng bansa. Nasa 1.6 milyon ng naturang numero ang nakatanggap na ng ikalawang dose.
Matatandaan na target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 70 milyon ng populasyon. Inaasinta rin nila na mabakunahan ang nasa 58 milyon pagsapit ng Nobyembre.
Una nang inihayag ng Department of Health (DOH) na nais ng mga eksperto na mabakunahan ang 30% ng populasyon bago luwagan ang ‘quarantine restrictions’ ng bansa.
Habang nagaganap ang ‘vaccination program’, sinabi ni Rye na dapat pa ring sumunod ang publiko sa ‘minimum health standards’ dahil nananatili ang matinding banta ng virus lalo na at maraming lugar sa labas ng Metro Manila ang nakitaan ng pagtaas ng mga kaso at pagkakaroon na ng bansa ng iba’t ibang variants ng COVID-19. (Daris Jose)
-
12 e-sabong website, 8 socmed pages natukoy ng PNP
NABUKING ng Philippine National Police (PNP) ang patuloy na operasyon ng 12 e-sabong at walong social media pages sa kabila na iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil nito. Ayon kay Lt. Michelle Sabino, hepe PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) public information office, sa 12 websites na natukoy ng PNP dalawa ang nakarehistro […]
-
Panukalang forfeiture ng illegally acquired foreign-owned real estate, inihain
ISINUSULONG sa Kamara ang panukalang magbibigay otorisasyon sa gobyerno na kumpiskahin ang mga unlawfully acquired real estate properties ng foreign nationals, partikular ang mga sangkot sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Ang House Bill (HB) No. 11043, o “Civil Forfeiture Act,” ay inihain nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy […]
-
Quiboloy ilipat na sa BJMP! — PNP
DAPAT na umanong ilipat sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Pastor Apollo Quiboloy. Ito naman ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief PCol Jean Fajardo sa isinagawang press briefing. Ayon kay Fajardo, kung sila ang tatanungin, […]