Malakanyang, nakakakita na ng barometro sa pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas
- Published on June 12, 2021
- by @peoplesbalita
NAKAKITA na ang Malakanyang ng isang barometro o senyales na bumabangon na ang ekonomiya ng bansa.
Ito’y matapos manguna ang Pilipinas sa iba pang bansa sa Asya sa aspeto ng pag e- export nitong Abril.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque gamit ang datos ng Philippine Statistics Authority na tumaas ang export ng bansa sa buwan ng Abril na umabot sa 72. 1 percent.
Mula sa 3.32 billion dollars noong Abril nang nakaraang taon ay umakyat ito ng 5.71 billion dollars ngayong April 2021.
Malinaw na nalampasan na ng Pilipinas ang Japan na nakapagtala ng 38% sa exports habang 32.3% naman ang nai- record ng China.
“Samantala, magandang balita naman po: Tumaas ang ating exports noong buwan ng Abril by 72.1% ayon po sa datos ng Philippine Statistics Authority,” ayon kay Sec. Roque.
“Ito ang pinakamataas sa mga ekonomiya sa Asya, nalampasan natin ang 38% ng Hapon at 32.3% ng bansang Tsina. Mula US, 3.32 billion noong April 2020, ito’y naging 5.71% billion ngayong April 2021. Ito ay matapos pinayagan natin ang one hundred percent operating capacity kahit na tayo ay nasa Enhanced Community Quarantine; hudyat ito ng pagbangon ng ating ekonomiya,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
KRIS, itinanggi na nakipagbalikan kay MEL dahil tapos at naka-move na; mga dahilan isa-isang isinambulat
SINAGOT ni Kris Aquino ang IG post ni Manay Lolit Solis tungkol sa balitang baka magkabalikan sila ni Mel Sarmiento. Say ni Manay Lolit, “May mga sign daw na baka bumalik si Papa Mel kay Kris dahil talaga daw love nito ang nanay nila Joshua at Bimby. In fairness naman kay Kris talagang […]
-
Ads August 18, 2022
-
Abalos, hinikayat ang mga residente ng NCR na bumili ng P39/kg. rice sa ‘Super Kadiwa’ stores
HINIKAYAT ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga residente ng National Capital Region (NCR) na bisitahin ang ‘Super Kadiwa’ centers para makabili ng bigas sa halagang P39/kg. at iba pang abot-kayang “high-quality produce.” “Malaking katipiran po ito para sa ating mga kababayan sa Metro Manila dahil sa […]