• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kiamco sinargo ika-4 na titulo sa Louisiana

SINAKOP ng mga Pilipino ang unang tatlong puwesto  sa katatapos na 6th Annual Buffalo’s Pro Classic Open 9-Ball Billiard sa Jefferson, Louisiana, USA.

 

 

Naghari si Warren Kiamco nang manaig kay Roland Garcia sa all-Pinoy finals upang ibulsa ang $4,500. Kumita si Garcia ng $2,300 habang ang tumerserong si Carlo Biado may $1,200.

 

 

Ito na ang pang-apat na kampeonato ngayong taon ni Kiamco makaraang mga pamayagpagan din ang 5th Annual Barry Behrman Memorial Spring Open 9-Ball noong Abril, at mga ginanap nitong Mayo na Diveney Cues Bar Box Classic 10-Ball Division at Racks on the Rocks Classic 9-Ball Mini.

 

 

Sa kabuuang kita, may $28,900 na siya US pro circuit para okupahan ang ikaanim na puwesto sa Money Lists.

 

 

No. 1 pa rin ang Pinoy na si Dennis Orcollo na mayroong $65,805 buhat sa siyam na tagumpay sa mga torneo. (REC)

Other News
  • Labis ang pasasalamat sa daughter-in-law: SYLVIA, taga-picture at taga-video ng happy moments nina ARJO at MAINE

    MINSAN pa ay nag-express ng labis na pasasalamat si Sylvia Sanchez sa kanyang daugther-in-law na si Maine Mendoza, asawa ng kanyang anak na si Cong. Arjo Atayde, dahil sa simula pa lang ay magkasundo na sila.   Sa IG account ng premyadong aktres, pinost ang photos at videos na kuha sa kanilang recent trip sa […]

  • Beijing, niresbakan ang US matapos siraan ang PH-China economic ties

    TINAWAGAN ng pansin ng Chinese Embassy sa Maynila ang Washington DC dahil sa paninira sa economic relations ng China sa Pilipinas.     Ang pahayag na ito ay tugon sa lumabas na ulat kung saan kinukuwestiyon ni State Department Undersecretary Victoria Nuland kung  talagang  aktuwal na nakalikha ng hanapbuhay  para sa mga Filipino ang pangako […]

  • Kapalaran ng e-sabong, posibleng desisyunan ng Pangulong Duterte

    PAG-AARALAN daw ng Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon sa e-sabong sa bansa.     Ito ang inihayag ng Pangulong Duterte sa kanyang isinagawang inspection sa OFW Hospital sa San Fernando, Pampanga.     Aniya, nasa kanya na raw ang naturang rekomendasyon at pag-aaralan muna niya ito bago magbigay ng kanyang desisyon bukas.     Kasunod […]