• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manilenyo ‘all out’ ang suporta kay Isko

Ngayong nalalapit na ang panahon ng eleksiyon sa bansa, marami na ang nagtatanong at interesadong malaman kung ano ang magiging plano ni Manila Mayor Isko Moreno.

 

 

Tiniyak naman ni Don Ramon Bagatsing na kung ano man ang maging desisyon ni Yorme para sa posisyong kanyang tatakbuhan sa 2020 national and local elections, ay “all out” ang magiging suporta sa kanya ng mga taga-Maynila.

 

 

Kumpiyansa si Bagatsing na anuman ang takbuhang posisyon ni Moreno sa eleksiyon ay magiging mabuti itong public servant at magseserbisyo ito ng buo at tapat para sa ikabubuti ng mga mamamayan.

 

 

“Maraming options si Yorme. He is in a good spot. Dalawang taon na siyang walang tulog, nakita naming mga Manilenyo ang laban niya kontra Covid. Where he intends to go, Manila will follow,” ayon pa kay Bagatsing.

 

 

Matatandaang maugong ngayon ang balitang hindi na tatapusin ni Moreno ang kanyang tatlong termino bilang alkalde ng Maynila at papalaot ito sa national position o sa presidential race.

 

 

Isa rin ang alkalde sa mga posibleng presidential bets na sinasabing pinagpipilian ni Pang. Rodrigo Duterte upang suportahan para sa nalalapit na halalan. (Gene Adsuara)

Other News
  • Gobyerno, target bakunahan ang 15M sa 3-day nat’l vaccination drive

    TARGET ng pamahalaan na bakunahan ang 15 milyong Filipino sa isasagawang three-day national Covid-19 vaccination program na tinawag na “Bayanihan, Bakunahan” Day mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.   Sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force (NTF) against Covid-19 sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kasama […]

  • ‘Betting odds pumapabor sa Warriors bilang title favorite sa NBA crown’

    NGAYON pa lamang paborito na umano ng maraming mga sports analysts na magkakampeon sa NBA Finals ang Golden State Warriors.     Habang itinuturing naman ang Boston Celtics bilang underdog sa pagsisimula ng Game 1 ng Finals sa araw ng Biyernes kaugnay ng kanilang best-of-seven series.     Maging sa mga mananaya o mga sugarol […]

  • PBA nakaabang sa bagong quarantine restrictions

    Panibagong paghihintay na naman ang gagawin ng PBA upang makapag-ensayo sa loob ng NCR plus bubble at ang planong masimulan ang Season 46 Philippine Cup sa susunod na buwan.     Hihintayin pa ng PBA ang bagong Joint Admi­nistrative Order mula sa GAB, DOH at PSC para sa guidelines ng training resumption sa NCR plus […]