• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: P860 M incentives na ang naibibigay sa mga drivers ng PUVs

May P860 million ng halaga ang naibibigay at naipamamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility drivers (PUVs) sa buong bansa.

 

 

Ang programa ay sa ilalim ng service contracting ng pamahalaan kung saan binibigyan ang mga PUVs drivers ng mga incentives ayon sa kanilang nalalakbay na kilometro.

 

 

“Drivers can receive incentives and subsidies based on kilometers traveled, depending on the type of transportation and its compliance with agreed-upon performance indicators,” saad ng LTFRB.

 

 

Sa ngayon, mayron ng 14,132 na drivers ang nabigyan at nakakuha ng paunang bayad mula sa programa at may 4,500 na kada drivers na rin ang nabigyan ng P15,000 na onboarding incentives.

 

 

“Under the program, drivers are entitled to an initial amount of P4,000, a weekly payout depending on the service and a one-time onboarding incentive,” wika ng LTFRB.

 

 

Ang service contracting ay isang programa ng pamahalaan sa ilalim ng subsidy packages ng Bayanihan 2 upang mabawasan ang masamang epekto ng pandemic sa sektor ng transportasyon lalo na sa kabuhayan ng mga drivers.

 

 

Kailangan lamang na magparehistro ang mga drivers ng PUVs sa LTFRB upang makasali sa programa kung saan sila ay sasailalim sa isang orientation program.

 

 

Halos P5 billion ang nakalaan na pondo sa contract servicing mula sa Bayanhihan 2 upang masiguro na ang operasyon ng transportasyon ay magiging viable kahit na pinatutupad ang mga health protocols na siyang dahilan kung bakit binawasan ang passenger capacity sa mga pampublikong sasakyan.

 

 

Samantala, tinaasan ng LTFRB ang per kilometer incentive na binibigay sa mga public utility drivers (PUVs) sa ilalim ng programang service contracting ng pamahalaan.

 

 

Sa isang LTFRB memorandum circular ng nilabas, ang per kilometer incentive para sa traditional at modernized jeepneys kasama ang public utility buses ay bibigyan ng dobleng rate.

 

 

“The memorandum signed on April 16 increased the per kilometer incentive to P27 for traditional and modernized jeepneys and P45.50 for public utility buses from the previous rate of P11 and P23.10, respectively,” wika ng LTFRB. (LASACMAR)

Other News
  • PNP, 3 buwan ang deadline para sa pagsusumite ng listahan kay PBBM ng mga nagbitiw na police execs

    TATLONG buwan ang ibinigay ng Philippine National Police (PNP) na deadline nito para magsumite kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pinal na listahan ng courtesy resignation ng mga police officials.     Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na may 118 courtesy resignation na ang sinala ng PNP. […]

  • BONGBONG MULING NANGUNA SA ONLINE SURVEY NG MANILA BULLETIN

    MULI na namang nanguna si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos sa online survey gamit ang iba’t ibang uri ng social media platform ng pahayagang Manila Bulletin na isinagawa nitong Nobyembre 19 hanggang 21.       Ayon sa opisyal na resulta na ipinalabas ng naturang pahayagan, lumamang ng malaki si Marcos, standard-bearer ng Partido Federal […]

  • 300 PAMILYA, NASUNUGAN SA BASECO SA MAYNILA

    UMABOT sa ika-apat na alarma ang naganap na sunog sa isang residential area sa Baseco  Compound sa Maynila kagabi.     Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa  Manila, umabot na sa mahigit-kumulang isang milyon piso ang halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy sa Block 17 Old Site, Baseco sakop ng Brgy.649 […]