BANGKAY NATAGPUAN SA NASUNOG NA VESSEL
- Published on June 16, 2021
- by @peoplesbalita
NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) kung ang bangkay na natagpuan sa bisinidad ng pinangyarihan ng nasunog na cargo vessel ay kabilang sa mga naiulat na nawawalang tripulante sa Delpan Bridge sa Maynila.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, hindi na makilala ang bangkay kaya naman nakipag-ugnayan pa ang coast guard sa SOCO para matukoy ang kanyang pagkakilanlan.na natagpuan dakong alas-7:10 ng umaga.
Sabado ng umaga nang masunog at sumabog ang barko na MV Titan 8 habang naka-angkla at nagpapakarga ng gasolina.
Anim ang unang iniulat na nasugatan habang dalawa ang missing ngunit kahapon natagpuan ang isa sa nawawala na si Edmund Palanca na isa umanong pahinante.
Nasa anim na segment o 150 metro ang lawak ng binakuran ng oil spill boom dahil na rin sa mga tumapon at kumalat na langis na unti-unti na rin umanong nawawala sa katubigan. (GENE ADSUARA)
-
Pinas, hinikayat ang US, China na ‘i-manage ang rivalry’ sa gitna ng umiigting na tensyon sa Taiwan
HINIKAYAT ng Pilipinas ang Estados Unidos at China na “manage their strategic rivalry with dialogue” and “sincere engagement” sa gitna ng tumitinding tensyon sa Taiwan. Sa naging talumpati ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa idinaos na Center for Strategic and International Studies (CSIS) forum sa Washington D.C., Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, […]
-
Face mask sa indoor areas, boluntaryo na
BOLUNTARYO na lang ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor areas. Inihayag ito ni Tourism Secretary Christina Frasco matapos ang ipinatawag na Cabinet meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan tinalakay ang mga gagawing pagluluwag sa pagsusuot ng face mask sa mga indoor space. Sinabi ni Frasco na maglalabas […]
-
Ads July 27, 2021