• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, dumistansiya sa hangarin ni US Pres. Trump na manatili pa ng 4 na taon sa puwesto

TANGING ang mga Amerikano lamang ang makapagdedesisyon kung mananatili pa ng panibagong apat na taon sa puwesto si US President Donald Trump.

 

Nauna na kasing nagbigay ng paborableng pananaw si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kanyang US counterpart.

 

“Pabayaan na po natin ang mga Amerikano mag-desisyon n’yan dahil sila naman po ang hahalal ng kanilang presidente,” ang pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque.

 

Si Trump ng conservative Re- publican Party ay nagbabalak na magkaroon ng panibagong termino sa November 3 election subalit sa survey ay sumusunod lamang siya kay dating |Vice President Joe Biden ng Democratic Party.

 

Noong nakaraang Pebrero, sinabi ni Pangulong Duterte na deserved ni Trump na muling mahalal dahil sa kanyang “circumspect and judicious reaction” sa naging desisyon ng Philippine government na i- terminate ang Visiting Forces Agreement, na siyang ginagamit para makita ang presensiya ng American troops sa Pilipinas para sa military exercises.

 

Samantala, kaagad namang nilinaw ng Malakanyang na hindi nito kinakampanya si Trump, kung saan ikinukunsiderang kaibigang lider ng Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • DICT: Unregistered SIM cards, tatanggalan ng access sa socmed

    IKINOKONSIDERA ng Department of Information Communications Technology (DICT) ang unti-unti nang pag-disable ng mga featured services ng mga SIM cards, na hindi pa rin irerehistro ng mga may-ari nito, sa loob ng 90-day extension na ipinatupad ng pamahalaan sa SIM card registration.     Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni DICT Secretary Ivan […]

  • Waging Best Actress sa ‘AIFF’ para sa ‘Kargo’: MAX, minsan lang gumawa ng movie at nanalo pa ng award

    NAKABIBILIB si Max Eigenmann dahil minsan lang ito gagawa ng pelikula at nanalo pa ng award.       Kelan lang ay nagwagi itong Best Actress sa ASEAN International Film Festival (AIFF) para sa pelikulang ‘Kargo.’       Ang iba pang awards ni Max ay mula sa 2022 Cinemalaya (Best Actress for ’12 Weeks’), […]

  • Pacquiao kailangan pa ang 3 linggo bago ganap makarekober ang kanyang mata

    Aabutin pa ng tatlong linggo bago makarekober ang isang mata ni eight Division World Champion Manny Pacquiap matapos nagkaroon ng retina matapos ang laban kay Yordenis Ugas.     Sinabi din nito na nakarekober na subalit naramdaman pa rin ang sakit kayat kailangang ipikit ang mga mata.     Kinumpirma din nito na tatlong araw […]