• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7 milyong Pinoy na ang bakunado

Mahigit sa 7 milyon na ang nakatanggap ng bakuna kontra sa COVID-19 sa bansa.

 

 

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa pagdinig ng Committee of the Whole (COW) sa Senado na 7,045,380 dose ang naibigay mula Marso 1 hanggang Hunyo 14.

 

 

Habang nakumpleto ang dalawang dose ng bakuna ng 980,471 medical frontliners, 486,945 senior citizens, 429,301 person with comorbidities at 7,067 essential workers.

 

 

Mayroon namang 5,141,596 ang nakatanggap ng unang dose at sa kasalukuyan ay mayroong 3,944 vaccination sites sa bansa.

 

 

Nakapamahagi na rin umano sa mga vaccination site ang 10,374,850 COVID vaccine dose mula sa 12,705,870 suplay nito.

 

 

Sinabi rin ni Galvez na lampas na rin ng isang milyon kada linggo ang nababakunahang Filipino sa dalawang magkasunod na linggo.

 

 

Ngayong buwan ay inaasahang makakatanggap ng 6.4 milyong dose ng bakuna ang bansa.

Other News
  • Ads October 6, 2021

  • 2 drug suspects tiklo sa P64K droga sa Caloocan at Malabon

    SHOOT sa loob ng rehas na bakal ang dalawang drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P60K halaga ng droga makaraang matimbog sa Caloocan at Malabon Cities.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng anti-criminality patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 9 sa kahabaan ng ArseƱa St. Bagumbong […]

  • Ads July 8, 2022