Sec. Roque, pinalagan ang patutsada ni Sen. Gordon
- Published on October 31, 2020
- by @peoplesbalita
PINALAGAN at pinabulaanan ni Presidential spokesperson Harry Roque na nakikialam at nakikisawsaw siya sa sigalot sa pagitan ng Philippine Red Cross’ (PRC) at Philippine Health In- surance Corporation (PhilHealth) kaugnay sa unpaid COVID-19 tests.
Ayon kay Sec. Roque, ang kanyang mga pahayag sa usapin ay bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“Hindi naman ho tayo nanghihimasok sa issue ng PhilHealth at ng Philippine Red Cross. Kaya nga lang po, nagsasalita po tayo sa ngalan ng ating Presidente,” ayon kay Sec. Roque.
“Importante po talaga kay Presidente Duterte ang testing dahil alam po natin na napaka- importanteng kabahagi ito ng ating istratehiya laban po sa COVID- 19—ang malawakang COVID-19 testing,” dagdag na pahauag nito.
Tinukoy din ni Sec. Roque ang kanyang adbokasiya ukol sa universal health coverage.
Si Sec. Roque ay dating mambabatas na siyang nag- isponsor ng pagpapasa ng Universal Health Care Act in Congress.
Sa ulat, binanatan ni Gordon si Sec.Roque at sinabihang huwag nang makialam sa usapin sa PhilHealth.
Ipinapanukala kasi ni Roque sa PRC na tanggapin ang donasyong test kits ng Dept. of Health, pero giit ni Gordon, hindi pwede dahil ito ay overpriced.
Gabi ng Martes, Oktubre 27, nagbayad ng P500 milyon ang PhilHealth sa PRC at nangakong babayaran ng pautay-utay ang balanse.
Madaragdagan pa ng panibagong 35 million pesos ang utang ng PhilHealth kahit nagbayad na ito ng kalahating milyong piso sa Philippine Red Cross para sa COVID-19 swab test ng mga umuuwing OFWs.
Sinabi ni Gordon na sa pagbabalik ng kanilang serbisyo, aabot sa 10,000 na sponsored OFWs ang kanilang ite-test na katumbas ng 35 million pesos. (Daris Jose)
-
P5.9-B pinsala naitala sa agri sector dahil sa El Niño – DA
SUMAMPA na sa P5.9 billion pesos ang halaga ng pinsala na dulot ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura. Ayon kay DA ASec. Arnel de Mesa nasa 80, 000 na mga magsasaka ang apektado ng El Niño. Pinaka-malaki rito ay ang mga magsasaka ng palay na nasa halos 60, 000. […]
-
Four-day work week sa mga empleyado ng SC, ipatutupad na simula April 4
IPAPATUPAD na simula sa April 4 ang four-day work week para sa mga emplyeado ng Korte Surprema, kung saan ay pisikal na magtatrabaho ang mga ito sa kanilang opisina sa loob ng apat na araw habang nasa work from home set up naman ang mga ito sa loob ng isang araw. Alinsunod sa […]
-
Abalos, pinangalanan ang 4 na miyembro ng 5-man committee na magrerepaso sa PNP resignations
ISINIWALAT ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang apat na miyembro ng five-man committee na magrerepaso sa courtesy resignations ng Philippine National Police (PNP) senior officials. Ang apat na miyembro ay sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., dating Defense chief Gilbert Teodoro, at Undersecretary […]