Sotto mabilis makaagapay sa sistema ng Gilas
- Published on June 17, 2021
- by @peoplesbalita
Mabilis na nakaagapay si Kai Sotto sa sistema ng coaching staff na magandang indikasyon para sa Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers.
Mismong si Gilas Pilipinas assistant coach Jong Uichico na ang nagpatunay na mataas ang basketball knowledge ni Sotto.
Sinabi pa ni Uichico na hindi ito mahirap turuan dahil madali itong makapickup ng mga itinuturo sa kanya.
Pinatunayan ito ni Sotto sa kanyang unang pagsalang na kasama ang Gilas Pilipinas sa training.
Kailangan lamang ng ilang araw pang ensayo para lubos na makasama sa sistema ng Pinoy squad.
“For me, I don’t really find anything hard to learn. I think that’s one of my strengths. I’m a fast learner and fast to adjust. I need just a couple of days to learn all of Coach Tab’s system, plays, and schemes,” ani Sotto.
Nagiging madali ang lahat kay Sotto dahil kasama nito sa training si Gilas coaching staff member Sandy Arespacochaga na dating head coach ng Gilas Youth.
“It’s been easier since Coach Sandy has been on my side in the practices, helping me and telling me what I should or should not do. It’s been really good,” dagdag ni Sotto.
Bantay-sarado rin ang kundisyon ng katawan ni Sotto upang mas lalo pa itong lumakas sa loob ng court.
Masaya si Sotto na makasama nito ang Gilas Pilipinas na itinuturing nitong bagong pamilya. Kaya naman hindi naging mahirap ang adjustment para sa Pinoy cager.
-
Listahan ng pumasa sa Bar Exam, inilabas na
NANGUNA ang University of the Philippines (UP) sa mga bago at tinaguriang ‘most valuable lawyers ” sa resulta ng 2024 Bar examinations habang nag-tie naman sa ika-20th na rank ang kapwa nagtapos sa University of Santo Tomas (UST). Ang paglabas ng resulta ng mga nakapasa sa bar exam ay bahagyang na-delay sa […]
-
ADMISSION SA NAVOTAS HOSPITAL LILIMITAHAN
DAHIL sa kakulangan ng medical staff matapos maapektuhan ng COVID-19, kinailangan limitahan muna ang admission ng mga pasyente sa Navotas City Hospital (NCH) simula September 11 hanggang September 30, 2021. Kaya naman humihingi ng pang-unawa ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng NCH […]
-
Ben Platt Reprises His Iconic Role In ‘Dear Evan Hansen’ Film Adaptation
THE Tony, Grammy and Emmy Award winner Ben Platt is back as the anxious high schooler Evan Hansen. The generation-defining Broadway phenomenon becomes a soaring cinematic event as Tony, Grammy and Emmy Award winner reprises his iconic role as an anxious, isolated high schooler aching for understanding and belonging amid the chaos and […]