• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bong Go, hinikayat ang publiko na magpabakuna

HINIKAYAT ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga Filipino na maging katulad ng mga NBA fans at magpabakuna laban sa COVID-19 kung gustong makalabas ng pamamahay.

 

“Magpabakuna po kayo kung gusto niyong makalabas ng pamamahay ninyo,” ayon kay Go sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi.

 

“Sa mga basketball fans, tingnan niyo po ‘yong NBA… sila po ay nakakapanood ng basketball, mga audience, may crowd na po eh. Tayo dito sa Pilipinas medyo huli pa tayo at nakikita niyo na mayroong pag-asa dahil ‘yong bakuna lang talaga,” ayon kay Go.

 

Tinawagan ng pansin ni Go ang publiko na magtiwala sa bakuna at huwag matakot na magpabakuna.

 

“Matakot ho kayo sa COVID-19. Ang bakuna po ang susi, solusyon natin dito sa problemang ito,” giit nito.

 

“As of June 14”, ang Pilipinas ay mayroong 1,879,694 fully vaccinated individuals laban sa COVID-19.

 

Ipinakikita ng data mula sa National COVID-19 Vaccine Operations Center na mahigit 6.9 million doses ang na-administer sa buong ansa.

 

Kabilang sa fully vaccinated individuals, 968,750 ay health workers, 479,034 ay senior citizens, 424,889 ay persons with comorbidities, at 7,021 ay essential workers.

 

Samantaa, may kabuuang 5,068,855 katao naman ang nakatanggap ng “at least one shot” ng COVID-19 vaccine.

 

Sa nasabing bilang, 1.4 million ay health workers, 1.7 million ay senior citizens, 1.7 million ay persons with comorbidities, at 152,964 ay essential workers. (Daris Jose)

Other News
  • US, nakahandang suportahan ang PH tungo sa transition para sa renewable energy

    NAKAHANDANG tulungan ng Estados Unidos ang Pilipinas sa transition nito tungo sa pagkakaroon ng renewable energy.     Sa pagbisita ni US Deputy Secretary of State Wendy Sherman sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ng opisyal na ang renewable energy ay kritikal para sa buong mundo maging sa seguridad ng ating planeta. Ito rin […]

  • “Melor Robbery Gang”, nalansag ng Valenzuela police

    NALANSAG ng mga awtoridad ang isang ‘Criminal Gang’ na responsable umano sa mga pagnanakaw sa iba-ibang lugar sa Valenzuela City matapos ang pagkakaaresto sa pinuno at mga miyembro nito.   Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, alas-3:15 ng madaling araw nang maaresto […]

  • 59 schools na napili sa face-to-face classes tinukoy na ng DepEd

    Pormal nang inanunsiyo ngayon ng Department of Education (DepEd) ang inisyal na pagpili sa 59 na pampublikong mga paaralan sa bansa para sa gagawing face-to-face classes.     Ang naturang bilang ay mula sa 638 na nominadong mga paaralan matapos makapasa sa granular risk assessment ng Department of Health (DOH).     Paliwanag ng DepEd, […]