Air passengers kailangan ng may contact-tracing app
- Published on October 31, 2020
- by @peoplesbalita
ANG mandatory na contact tracing app na tinatawag na Traze ay kailangan ng gamitin ng mga pasahero na maglalakbay gamit ang mga airports sa bansa.
Sinimulan ang contact tracing na Traze noong November 28 kung saan pinagtulungan itong gawin ng Philippine Ports Authority (PPA) at Cosmotech Philippines Inc. Ang Traze ay isang nationwide at unified QR code-based app na mag automate ng contact tracing ng mga ahensiya na nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).
Ang sector ng aviation ang siyang kasama sa Traze tulad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Manila Interna- tional Airport Authority (MIAA), Civil Aeronautics Board (CAB, Clark International Airport Corp. (CIAC), at Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIA).
Ito ay nagkaron ng pilot testing sa apat (4) na airports sa bansa: ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Clark International Airport (CIA), Mactan-Cebu International Airport, at Davao International Airport (DIA).
“All departing and arriving passengers at these airports would be required to download the app on their mobile phones and register an account before proceeding to the airport. This system will be followed in other airports soon,” wika ng DOTr.
Ayon sa DOTr, ang Traze ay makakatulong upang mapabilis ang mabagal na manual contact tracing process at magagawa ito ng sandali lamang.
“Passengers will scan the QR codes at designated areas of the airport. Once a COVID-19 positive patient is identified, an in-app notification will be sent to individuals who may have had contact with the patient so they may immediately observe-self isolation procedure and other health and sanitation precautionary measures,” dagdag ng DOTr.
Samantalang ang mga pasahero na walang mobile phones o ibang mobile gadget ay puwedeng pumunta sa Malasakit Helpdesk sa airport upang humingi ng registration assistance para humingi ng unique QR code. Ang QR code ay maaring gamitin sa lahat ng DOTr office sa buong bansa.
Sa kabilang dako naman, isang bill ang inihain sa House of Representa- tives para sa pagtatayo ng contact tracing centers ng COVID-19 hotspots.
Ito ay ang House Bill No. 7538 na inihain ni Quezon City 2 nd District Rep. Precious Hipolito Castelo kung saan nagnanais na magtayo ng efficient at systematic na tracing at monitoring center ng COVID-19 ng mga taong positibo sa virus at ng mga taong nakasalimuha nila.
“If contact tracing efforts will be done quickly and effectively, the impact of the pandemic will dramatically decrease,” ayon kay Castelo. (LASACMAR)
-
Omicron kalat na sa 15 lugar sa NCR
KALAT na ang Omicron variant ng COVID-19 sa 15 lugar sa Metro Manila base sa resulta ng ‘genome sequencing’ ng Department of Health (DOH). Hindi naman tinukoy ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman ang mga partikular na lugar na nakitaan ng Omicron cases na kanya nang tinukoy na ‘dominant variant’ […]
-
Sa sobrang intense ng eksena nila ni Maricel: LA, nahirapang bumitaw sa role kaya dinala sa ospital
NAHIRAPANG bumitaw si LA Santos sa sobrang intense ng ‘breakdown scene’ niya kasama si Diamond Star Maricel Soriano, na naging dahilan para dalhin siya sa ospital. Hinangaan nga si LA sa naturang eksena sa ipinalisip na teaser ng ‘In His Mother’s Eyes’ na produce ng 7K Entertainment. Gumaganap silang mag-ina sa pelikula, […]
-
NHA magpapatupad ng moratorium sa mga benepisyaryo dahil sa bagyong Kristine
MAGPAPATUPAD ang National Housing Authority (NHA) sa ilalim ng pamumuno ni General Manager Joeben Tai ng isang buwang moratorium sa pagbabayad ng amortization at lease para sa lahat ng mga benepisyaryo ng pabahay nito, dahil sa pinsalang dulot ng bagyong ‘Kristine’. Ang Moratorium ay awtomatikong ipatutupad para sa mga benepisyaryo sa buong bansa […]